Popular

Saturday, April 28, 2018

Tiglao: "Kaya walang pumalag nang ipasara | Mayayaman sa Boracay, alam na walang karapatan sa isla"

In a blog post in Bulgar Online, veteran journalist  Rigoberto "Bobi" Tiglao wrote his thoughts on the issues surrounding the closure of popular tourist destination, Boracay Island in Panay.

In his post, he mentioned that three people recently filed a case in the Supreme Court condemning the closure of the island. He says that these three people are a driver, sandcastle artist and a frequent tourist.

He questions the capacity of the three to come up with adequate resources to fund their travel and legal expenses in the filing of the case.

He adds that aside from these civilians, the organization National Union of People’s Lawyers also filed a case before. He then says that the NUPL is the front of the Partido ng Komunista ng Pilipinas (PKP).


Tiglao calls that communists are behind the NUPL with the chairman Neri Colmenares of Bayan Muna.

He further claims that the Bayan Muna was created in order for the communists to join in legal struggles.

Tiglao continues on to say that those who stay in Boracay are “rish squatters” because the whole island is owned by the government and the rich that live there only claim to have land titles.


He claims that Duterte already said that the island belonged to the government and that he wants to give it to the farmers, and that the “communists” are against this.

Read his full post here:
  
ISANG araw bago ipasara ang pangturistang isla ng Boracay, ayon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para malinis ito ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang tatlong tao.

Hinihiling sa korte na pigilin daw ang pagsasara nito dahil lalabag daw ito sa karapatan nilang magtrabaho sa isla.

Ang nagsampa ng kaso ay isang driver sa Boracay, isang gumagawa raw ng “sandcastles” at isang hindi naman taga-Boracay pero madalas daw pumunta ru’n.


Sino ang niloko nila? Hindi naman tayo matapobre pero saan naman kumuha ng lakas ng loob at pera ang mga ito para magsampa ng kaso sa pinakamataas na korte ng bayan?  

Nag-eroplano pa ang tatlong ito mula sa Kalibo, Aklan para magsampa ng  kaso sa Korte Suprema sa Maynila. Saan sila kumukuha ng perang panggastos tulad nito?


Ang talagang nagdemanda ay ang organisasyong National Union of People’s Lawyers (NUPL) na marami ang nagsasabi na pronta lang daw ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na nagyayabang na ipinaglalaban daw nila ang mga mahihirap laban sa mayayaman.

Mukhang totoo naman ang paratang na ang nasa likod ng NUPL ay ang mga komunista. Ang chairman nito ay si Neri Colmenares, ang kongresman mula 2009 hanggang Hunyo 2016 ng Bayan Muna.
 Carlos Zarate /Photo from Google
Carlos Zarate /Photo from Google

Ang Bayan Muna ay itinatag ng Partido Komunista para makilahok sa tinatawag nilang “legal struggle”, ang termino nila para gamitin ang demokratikong sistema ng bayan natin. Ang kasalukuyang representante ng Bayan Muna ay si Carlos Zarate na adviser din sa Board ng NUPL.

Sino ang pangulo ng NUPL? Si Atty. Edre Olalia, isang kilalang aktibista na opisyal na abogado ng National Democratic Front of the Philippines, ang pronta ng PKP  sa negosasyon para sa kapayapaan sa gobyerno. Ang mga kasapi ng NDFP ay ang  PKP, ang New People’s Army at ibang organisasyon na naitayo ng NDFP.
 Atty. Edre Olalia  / Photo from Google
Atty. Edre Olalia  / Photo from Google

Okey lang sa atin kung ang pakay ng NUPL ay tulungan ang mga manggagawa at mahihirap sa Boracay na totoo namang  mawawalan ng trabaho sa pagsara ng isla.

Pero hindi ba nila alam na ang Boracay na sa totoo lang ay pinakamalaking lugar ng mayayamang squatter sa Pilipinas?

Squatter dahil ang buong isla ay pag-aari ng gobyerno at ang mga sinasabi ng mayayaman dito na may titulo sila ay walang saysay.

Ito mismo ang sinabi ng Korte Suprema sa dalawang kasong isinampa sa kanila,  noong 2008 at 2016.  Ang dating Chief Justice ng Korte Suprema na si Artemio Panganiban ay sumulat ng kolum sa ibang diyaryo na may malinaw na paliwanag na pag-aari ng gobyerno ang Boracay.


Ipinaliwanag nang napakalinaw ni Panganiban na para mapunta sa pribadong kamay ang isla ay kinakailangan ng batas at mahabang proseso.

Alam ito ng mga resort owner at may hawak ng lupa sa Boracay kaya wala ni isa sa kanila ang nangahas na magsampa ng kaso para ipatigil ang pagsasara ng isla.

Nang matuklasan ang ganda ng Boracay ay nailathala ito sa ibang bansa kaya kung anu-ano ang ginawang paraan ng mayayaman sa Iloilo, Kamaynilaan at iba pang probinsiya para makamkam ang mga lupa roon.

Marami-rami rin ang nag-akalang ang mga ibinebenta sa kanilang mga lupa ay lehitimo kaya bumili sila ng lupa na daan-daang milyon ang halaga. 

Pero sabi nga ng Korte Suprema: “Eh, problema n’yo ‘yan, nagpaloko kayo!”


Si P-Duterte mismo ang nagsabing pag-aari ito ng gobyerno at dapat ibigay ang malaking bahagi ng Boracay sa mga magsasaka. Eh, ang mga komunista naman ay tinututulan pa ang balak ni P-Duterte.

Wala na ngang prinsipyo ang mga komunista kaya oportunidad para sa kanila ang pagtatanggol kunwari sa mga manggagawa ng Boracay para maloko nila ang mga ito at sumapi sa kanila para pabagsakin ang demokrasya natin.

O, baka naman dahil wala ni isang resort owner o may hawak ng lupa sa Boracay ang mangahas magsampa ng kaso para pigilan ang pagsasara ng Boracay kaya kinontrata na lang siguro nila ang mga komunista?"

***
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment