Popular

Tuesday, January 16, 2018

"SHOOT SA CANAL" na Journalist Viral ngayon Online! Alamin ang Kwento dito na Ikakagulat niyo!

Ngayong araw lamang nag-Viral ang post ng isang Facebook User na nag-ngangalang Henry Uri matapos niyang ipost ang kwento ng isang Journalist na nalaglag sa kanal noong panahon ng election kung saan personal pa itong ipinagamot ng ating mahal na Pangulo. Alamin ang buong kwento sa ibaba!

"SHOOT SA CANAL" Nakupo! Kitang-kita ko, kinurot sa pisngi ang Pangulo! 😂 Ang bilis nga naman ng panahon. May 9, 2016, paglabas nang presinto matapos bomoto, sinalubong namin si President Rodrigo Duterte. Sa pakikipag tulakan namin sa PSG, nahulog kami sa isang kanal. 



Ako, ang kaibigang photographer na si Richie Tongco at isang babaeng writer ang nagtamo nang galos sa hita at braso. Kitang-kita nang Pangulo ang nangyari sa amin. Matapos ang insidente, dumiretso kami sa Mandaya Hotel para sa presscon nang nanalong Pangulo. Natapos ang presscon, dinala kami nang mga tauhan nang Pangulo sa isang ospital sa Davao. Laking gulat ko, pagpasok sa Emergency Room nang ospital, maraming Security, may isang taong nagmamando. Naroon ang Pangulo. Siya mismo ang nagpagamot sa amin. Asikasong-asikaso ang babaeng na shoot din ang paa sa kanal. Very concerned and boses, Oh yung mga media nahulog, asikasuhin nyo. 




Yung babae naming kasamang nahulog sinamahan pa hanggang sa may x-ray room. Panay ang tanong sa babae at sa akin. Okey ka lang ba, wag ka aalis dito na di ka ok. Pa x-ray mo lahat ha?! Pag-alis nya, tiningnan ko ang oras. 

Bakit pa niya kami sinamahan dito sa ospital? Bakit siya pa mismo, bakit ganun sya ka concern sa amin? Nagpapapansin ba sya dahil araw nang botohan? Bahagi pa ba ito ng PR works para sa kanya? Pero nakita ko sa relo ko mag-aalas 8 na nang gabi. Tapos na ang Eleksyon. Nagsisimula na ang bilangan. Sa aming DZRH quick Count, lamang na sya sa kalaban.




Pero sa halip na magpahinga o asikaauhin pa ang ibang supporter at bisita, kami ang kanyang inuna. Tiniyak na ligtas kami. Syanga pala, maikwento ko lang, ang babaeng inasikaso din mismo nang todo nang Pangulo, matapos ma-shoot ang paa sa canal hanggang hita kung saan nasira ang cellphone at napaluha sa sakit at pagod sa pakikipagbalyahan, na kaagad kong binuhat at inalalayan papunta sa room nang medical team ay ang kapwa ko Malacanan Reporter na si Ms. Pia Ranada po nang Rappler. 😊




Narito ang ilang kumento ng mga Netizens tungkol sa kwentong ito:







Ano ang maaari mong sabihin tungkol sa kuwentong ito? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa amin sa pamamagitan ng, pagkomento sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!

0 comments:

Post a Comment