Popular

Wednesday, January 3, 2018

Panuorin ang "Deleted Video" ng Sikat na vlogger na si Logan Paul sa Japan's Suicide Forest!

Si Logan Alexander Paul ay isang Amerikanong vlogger at artista. Siya ay unang nakakuha ng katanyagan sa pamamagitan ng mga video na ibinahagi sa internet video service na Vine. 

Nang maglaon ay lumalabas na si Paul sa mga programa sa telebisyon at pelikula. Kamakailan lamang, siya ay naging usap-usapan sa buong mundo dahil nag-post siya sa kanyang Youtube account ng isang video ng isang biktima ng pagpapakamatay sa Japan.



Ang Aokigahara ay kilalang kagubatan sa Japan kung saan meron itong napakaraming puno at binansagan na ring "Sea of Trees". Ngunit ang sikat na landamark na ito sa Japan ay merong mga kakilakilabot na nakaraan, kung saan ginamit pa ang lugar na ito bilang horror film shooting place ng palabas na The Forest". Ang naturang kagubatan ay isang piniling lugar kung saan tinatawag ito ngayong "The Suicide Forest", maraming tao ang nagpapakamatay rito taon-taon.Habang nag-hihiking ang grupo nila Paul sa naturang kagubatan, aksidente silang nakatuklas ng isang katawan ng taong nagpakamatay na naka lambitin pa ang katawan nito sa isang puno. Sa halip na patayin nila ang kamera tuloy-tuloy pa rin nila itong kinuhanan ng video at kamakailan lamang inupload nila ang nasabing video sa Youtube.





“Did we just find a dead person in the suicide forest?” sabi ni Paul habang kinukuhaan niya ang sarili ni ng video. “This was supposed to be a fun vlog.” Nakuha pa niyang mag-joke sa gitna ng pangyayari habang suot-suot ang isang fluffy green hat.

Sa loob ng isang araw nakakuha ng 6.5 million views ang video na kanyang inupload sa kanyang Youtube channel. Maraming tao ang nagalit sakanya at bumaha ng Tweet sa kanyang account dahil sa naturang video. Kahit na hindi ni Paul na violate ang Youtube's community standards nagawa niyang i-delete ang video dahil na rin sa galit ng mga tao sakanya. 

Nitong nakalipas na Martes humingi ng tawad si Paul dahil sa pag post niya ng video nayon, sabi niya isa yung malaking pagkakamali na nagawa niya at kinamumuhian niya ang kanyang sarili.





Panuorin ang naturang Video sa ibaba:



Ano ang maaari mong sabihin tungkol sa kuwentong ito? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa amin sa pamamagitan ng, pagkomento sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!

0 comments:

Post a Comment