Popular

Wednesday, January 10, 2018

Kilalanin ang Super Yaman na Manliligaw ni Erich Gonzales! Sasagutin na niya kaya ito?

Naging usap-usapan kamakailan lamang ang hiwalayang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa kanilang mahabang relasyon. Maraming epikulasyon tungkol sa dahilan ng kanilang pag-hihiwalayan, isa narito ay dahil di umano'y ginamit lang daw si Erich ng kanyang nobyo na si Daniel para mas sumikat.




Ilang buwan ang lumipas nabalitaan ng karamihan na may bagong ka-relasyon na ang aktor, ito ang naging dahilan kung bakit mas lalong nagalit ang mga fans ng aktres. Simula ng kanilang pag-hihiwalayan ay nanatiling single si Erich at nag-eenjoy siya sa pagiging single.May katagalan na ding single si Erich, handa na nga ba siyang harapin ang bagong love life na parating? Kamakailan lamang napapabalitang may nanliligaw na kay Erich.




Sabay-sabay nating kilalanin si Mateo Lorenzo ang humored suitor o boyfriend ni Erich Gonzales. Ayon sa source si Mateo at Erich ay may nabubuong romantic relationship sa kanilang dalawa. Si Mateo ay galing sa isang kilalang pamilya at di maitatago na napapabilang sila sa pinaka-mayayamang angkan sa bansa.

Siya ay nakapagtapos ng kursong BS Management Engineering noong taong 2014 sa Ateneo de Manila Universtiy. Siya ngayon ay tumutulong sa kanilang Family businesses isa narito ay ang Dencio's, Terriyaki Boy at marami pang iba. Sila rin ang nagmamay-ari ng La Panday isang malaking kumpanya sa bansa. Hindi rin maitatanggi na siya ay may magandang pangangatawan at may kaguwapuhan ding looks.




Sa ngayon wala paring kumento ang batang aktres tungkol sa isyung ito. Pero kapag binase mo sa kanyang aura di maitatanggi na may nagpapasaya sakanya at nagbibigay ng inspirasyon. Siya na nga ba ang hinihintay na magiging ka-forever ni Erich? Sabay-sabay nating abangan yan!

Ano ang maaari mong sabihin tungkol sa kuwentong ito? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa amin sa pamamagitan ng, pagkomento sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!

0 comments:

Post a Comment