Popular

Thursday, January 18, 2018

Illegal Arrest, Bagong Modus ng mga Scalawags na Police Viral ngayon sa Social Media!

Ngayong araw lamang ay nagviral ang isang post sa Social Media na gawa ng isang Facebook User na nag-ngangalang John Mark Marco, kung saan di umano'y nabiktima siya ng illegal arrest at mistaken identity ng mga Pulis sa Bataan. Basahin sa ibaba ang buong kwento tungkol sa insidente.



MISTAKEN IDENTITY AT ILLEGAL ARREST ng mga PULIS NA UMIMBENTO NG KASO LABAN SA INOSENTENG MAMAMAYAN ‼️

Panuorin po ninyo ang CCTV Footage.


Ako po ang nasa Video na walang sabi-sabing inaresto ng mga Pulis, si JOHN MARK NAVARRO MARCO, mabuting mamayan ng Townsite, Limay Bataan Nagtapos sa kursong COMPUTER ENGINEERNG at kasalukuyang nagtatrabaho sa Petron Bataan Refinery bilang LOADPORT ENGINEER under FRCS Agency, dating SK Councilor sa aming barangay, at hindi nasangkot kahit sa simpleng gulo at hindi ako Kailanman kasama sa mga Drug Watch lists sa aming barangay at maging sa mga kapulisan subalit nakakalungkot na ako ay BIKTIMA NG ILLEGAL ARREST NOONG March 13, 2017 at kinasuhan ng Section 5 Article 2 of R.A 9165.


Napakabigat at Kailanman ay hindi ko matanggap maging ng aking pamilya , mga kaibigan at mga kakilala sapagkat may marangal akong trabaho, bakit ako magtutulak ng droga? Na aking kino kondena at pabor ako sa ginagawang WAR ON DRUGS NG ATING MINAMAHAL NA PANGULO at NG ATING KAGALANG GALANG NA POLICE DIRECTOR RONALD “SIR BATO” DELA ROSA subalit ang napakagandang layunin Ng ating pamahalan ay binabahiran ng ilang naka posisyon lalot higit ang iilang mga police scalawags na walang awang umimbento ng mga kaso laban sa mga inosenteng tao na kagaya ko para lamang sa kanilang personal na interest,, maging performer kuno kahit ang kapalit ay pagkasira ng magandang kinabukasan ng mga kabataang gaya ko, sa halip na bigyan nila proteksyon.





Sa ibang mga naka posisyon sa ating Pamahalaan, barangay man hanggang sa matataas na posisyon at maging mga ibang Media program ay hindi nakikialam sa usaping droga dahil nga sa ito ay mandato daw ng ating mahal na Gobyerno. HINDI PO BA DAPAT LANG NA PAKIALAMAN NIYO ANG MGA KASONG GANITO? ALAMIN MUNA DAPAT KUNG ANU ANG INILALAPIT NG INYONG NASASAKUPAN. AT KAPAG NAPATUNAYAN NIYO NA TALAGANG INVOLVE SA DROGA AY SIGURADUHIN NIYO NA MAKASUHAN AT MAKULONG DAHIL YAN AY TOTOONG GINAWA NIYA. AT PAG NAPATUNAYAN NIYO NA INOSENTE AT BIKTIMA LAMANG NG MAPANG ABUSONG KAPULISAN DI BA DAPAT LANG NA IPAGTANGOL AT TULUNGAN NIYO ANG TULAD NAMIN NA HINDI MASIRA ANG AMING KINABUKASAN? Hindi yung sa umpisa pa lang ay hindi niyo na papakinggan at sinasabing sa korte na lang ipaglaban? Kailangan pa bang makulong ka muna para maipagtanggol mo ang iyong sarili?

Ito po ang buong pangyayari:


- Bandang hapon nuong 13 March 2017, pagkagising ko, ako ay nakaramdam ng gutom at minabuti ko na bumili ng makakain sa labasan harap ng Munisipyo ng Limay, Bataan. At duon ay nakita ko ang isa sa aking kakilala “ HABANG NASA LOOB AKO NG TEEJ Mart at bibili ng maiinom na softdrinks panulak sa binili kong SHAWARMA ay biglang may sumaklit sa aking leeg na nakasibilyan na lalaki na napagalaman ko sa huli na ito pala ay si PO1 EDWIN P. GUEVARRA isang Pulis na naka assign sa Limay MPS, at ng hilahin ako sa labas ay isinakay ako sa kanilang sasakyan at dun pati ang aking kakilala ay magkasama kaming kinasuhan ng paglabag sa Section 5, Article 2 ng R.A 9165. At ayon sa Affidavit ng mga pulis na sina PO3 R. K BACANI at CHRISTIAN LUIS kami daw Ng aking kasama ay hindi bumaba sa motor at nakipag abutan daw kami ng droga sa kanila at sa kanilang asset.


Mabuti na lamang ay swerteng ang tindahan na aking binilhan ay may CCTV footage na nagmalasakit at nakakuha kami ng kopya ng CCTV footage.. na nasa itaas na pinanuod nyo po. (NA SIYANG TALIWAS SA KANILANG AFFIDAVIT AT HINDI SILA MISMO ANG NAKITA SA CCTV) Dahil po sa mali maling mga dokumento na isinumite ng mga pulis, kabilang na din ang CCTV footage na aming matibay na ebidensiya na kmi ay biktima ng ILLEGAL ARREST kami ay pinalaya (After 2 days ng pagkakulong) nuong March 15, 2017 sa bias nang release order ni 2nd Assistant Provincial Prosecutor Jenny Beth T. M. Quilantang na kami ay ma release from Police Custody unless being held for some other lawful cause/s. ( Under Preliminary Investigation).





Napakatinding trauma po ang aking inabot na pwede ka palang makulong sa isang pagkakamali ng mga pulis na ating pinagkakatiwalaang magtatanggol sa ating mga karapatan. Gusto ko po sanang idemanda ang mga pulis na gumawa sakin o samin nito pero dahil ayaw ko po talaga ng gulo at humingi ng personal na despensa ang mga pulis na nagbigay ng mga maling salaysay sakin ay minabuti ko na pumasok na lang sa trabaho at umuwi ng bahay at kung lumabas man ay kung talagang importanting importante lamang na may takot na muling mangyari sakin ang muntik ng makasira sa aking mga pangarap.

Di pa po ako nakaka recover sa traumang hatid ng maling pag aresto, makalipas ang siyam na buwan at sampung araw (9 mos & 10 days) Ako ay nakatanggap ng RESOLUTION ng parehong Fiscal na kmi ay maari daw kasuhan ng parehong paglabag at ginawan ng Information under Criminal Case ML-6912 at na raffled sa Branch 94 ng Regional Trial Court, Peoples Center Balanga, Bataan.


"ANU NA PO ANG NANGYARI SA JUDICIAL SYSTEM NG BATAAN AT TILA ANG BILIS NA NAGBAGO NG DESISYON NG PAREHONG FISCAL SA KABILA NG MATIBAY AT DI NAGSISINUNGALING CCTV FOOTAGE. Ang PDEA Certificate Of Coordination Pre- Ops 10004-032017-0126 SA NAGNGANGALANG LAMBERT IRANGAN na ginamit samin ay NA ICORRECT daw ng Limay MPS sa pamumuno ni PCI MADTAIB M. JALMAN sa pangalan ng aking kakilala MARK JOSIAH P. TIANGCO (the same thing hindi ako target of operation) pero kapansin pansin na parehong control number kaya ito ay gawa gawa lamang para muli kaming perwisyuhin"


Anu mang oras mula ngayon, magdedecide ang Judge ng Branch 94, maaring mapawalang sala talaga kami o labasan ng warrant of arrest kung talagang bulok na talaga ang sistema ng Judicial System sa ating bansa. Kaya di ko na alam ang aking gagawin hanggat napagdesisyunan ko na humingi ng tulong sainyong lahat na makakabasa na tulungan akong mai share at comment hanggang sa makarating sa ating mahal na Pangulong DUTERTE at sa ating Mahal na PNP Director RONALD “SIR BATO DELAROSA” gabun din sa DOJ Human Rights at iba pang sangay ng Gobyerno na makakatulong sakin na hindi masira ang aking kinabukasan sa MISTAKEN IDENTITY AT ILLEGAL ARREST.


PANALANGIN KO NA MAY PROGRAMANG TUTULONG SAKIN. BUKAS PO AKO SA INYONG PAGTATANUNG SA AMING LUGAR AT PAG NAPATUNAYAN NA AKO AY TALAGANG NAGBEBENTA NG DROGA AKO PO AY MAGPAPAKULONG HABANG BUHAY. AT KAPAG HINDI TULUNGAN NINYO PO AKO BAGO MASIRA NG MGA PULIS SCALAWAGS NA ITO ANG AKING BUHAY….. NA MAKARATING ANG MGA SINUPIL NA EBIDENSYA NA ITO, SA JUDGE NG BRANCH 94, NA E- DISMISS NYA ANG KASO SA HALIP NA WARRANT OF ARREST PARA SA KATOTOHANAN AT HUSTISYA…MARAMING SALAMAT PO.




ACTUAL CCTV FOOTAGE OF ILLEGAL ARREST


MISTAKEN IDENTITY AT ILLEGAL ARREST+ NAGSUMITE ANG MGA PULIS NG MALING COORDINATION SA PDEA KAYA KAMI NAKALABAS DAHIL ANG NAKAPANGALAN DITO AY ISANG "LAMBERT IRANGAN " NGUNIT BINAGO NILA ITO MATAPOS KAMING MAKALABAS. PERO DI NILA NAPANSIN NA PAREHO ITO NG PRE OPS CONTROL NUMBER NA MAKIKITA SA LARAWAN



ITO NAMAN ANG AFFIDAVIT NI PO3 BACANI NA SYANG TALIWAS DIN SA CCTV FOOTAGE NABANGGIT NYA NA HINDI KAME BUMABA NG MOTORSIKLO. AT SYA DAW ANG UMAKTONG POSEUR BUYER KUNO





ITO ANG AFFIDAVIT NI PO3 CHRISTIAN LUIS NA WALA SA PINANGYARIHAN NG NASABING INSIDENTE. DAHIL MALINAW NA MAKIKITA SA CCTV FOOTAGE NA SI PO1 GUEVARRA ANG SAPILITANG DUMAMPOT SA AKIN AT HINDI SI PO3 BACANI O SI PO3 LUIS.




Paki-share ang insidenteng ito upang mabigyang babala ang mga Netizen's tungkol sa ganitong klaseng modus ng mga scalawags na mga Police.

0 comments:

Post a Comment