Popular

Sunday, December 10, 2017

READ: Isang 70-Year-Old na Lalaki galing New Zealand niloko ng Girlfriend niyang Pinay nag-VIRAL Online!

Wala nang mas sasakit pa kaysa sa pagiging bigo sa pag-ibig na akala mo ay hindi magagawa ng taong mahal mo. Mahirap ang ganitong pakiramdam pero dadating din ang araw na mas pipiliin mong palayain ang iyong nararamdaman, magpatuloy sa buhay, at magsimulang muli. Ito ay eksakto sa kuwento ng isang banyaga na si Brian Laurence, na nag-mula sa bansang New Zealand.



Sa edad na 61, nagpapatakbo siya ng isang maliit na negosyo kung saan nagbebenta siya ng mga gulay sa Kidapawan na siya mismo ang nagtanim. Ang mga ganitong bagay o gawain, gayunpaman, ay hindi palaging mabuti ang dulot nito para sa matandang lalaki. Ibinahagi niya ang kanyang kuwento sa isang netizen na si Joy Dondan, na nag-post ng kwento niya sa Facebook. Ang post ay nag Viral Online kung saan nakakuha ito ng 40,000 reactions at 45,327 shares.

Sa kanyang post, inilahad ni Joy ang kuwento ni Brian. Unang dumating si Brian sa Pilipinas walong taon na ang nakaraan upang makita ang isang kaibigan na kanyang nakilala sa pamamagitan ng social media. Pagkaraan ng ilang sandali, ang pagkakaibigan nila ay nauwi sa isang relasyon. Gayunman, napansin ni Brian na may gustong bagay na makuha ang kanyang kalaguyo sakanya. Dahan dahan, ay hingi ng hingi ng pera sakanya ang babae.



Sinabi  nito sakanya na siya ay namumuhunan sa isang negosyo para sa kanila, at ang bahay na kanilang tinitirhan ay binili daw niya gamit ang pera ni Brian. Ngunit dumating ang panahon na napansin ni Brian na hindi totoo ang lahat ng sinabi sakanya ng kanyang kinakasama. Wala silang naging puhunan sa anumang negosyo, at ang bahay na kanilang tinitirhan ay ipinapaupa lang sakanila.Di nagtagal ay pinalayas siya sakanyang tinitirhan dahil hindi na siya nakapag bayad ng upa. Nalaman din ni Brian na ang kanyang kasintahan ay hindi talaga isang babae, kundi isang lalaki. Sa oras na iyon, hindi na niya mahanap ang kanyang kinakasama. Walang mga kaibigan o kamag-anak dito sa Pilipinas si Brian at siya ay nalungkot at nasaktan ng lubusan sakanyang sinapit.


Gayunpaman, hindi sumuko ang banyaga na ito galing New Zealand ngunit ito pa ang nagpatatag sakanyang pakikipag sapalaran dito sa Pilipinas. Sa halip, pinili niyang manirahan dito at magsimula muli. Sa tulong ng ilang mga kaibigan nagawa niyang manirahan sa Kidapawan, sinimulan ni Brian Laurence ang kanyang sariling maliit na negosyo sa pagtatanim ng gulay at kanya namang ibinebenta ito.

Kadalasan ay ibenibenta niya ang kanyang mga na harvest na gulay sa mga bahay-bahay sa kanilang lugar. Ang netizen na nag-post ng kanyang kuwento ay hinihikayat ang lahat  ng taga sakanila na bumili ng mga gulay mula kay Brian dahil ang mga ito ay garantisadong sariwa at organic.Nang tanungin kung bakit hindi siya pumunta sa kanyang embahada upang humingi ng tulong at ganun ay makauwi siya sakanila, sinabi ni Brian Laurence na ayaw niyang umalis sa Pilipinas.

Basahin dito ang post ni Joy Dondan sa Facebook Account niya:







Ano ang maaari mong sabihin tungkol sa kuwentong ito? Ibahagi ang iyong mga saloobin sa amin sa pamamagitan ng, pagkomento sa ibaba. Salamat sa pagbabasa!

0 comments:

Post a Comment