Popular

Friday, December 1, 2017

LOOK: Prominent lawyer fearlessly answers some RevGov issue

Atty. Bruce V. Rivera, a staunch supporter of President Rodrigo Roa Duterte, recently published a Facebook post elucidating certain matters about the highly bruited Revolutionary Government many pro-Duterte critics have been pushing for.

In his post, Atty. Rivera answered 6 significant questions revolving around the RevGov issue, all of which, intended to shed light on the scrupulous minds of those critics blatantly against the proposed government change. 

Atty. Rivera's post reads:



"SAGOT KO SA MGA TANONG SA REVGOV
1. Bakit natin gagawin ang RevGov eh nung huling nagrebolusyon si Cory ang nilagay natin at walang nangyari?

Sagot: Kasi isang maybahay na biyuda ang nilagay natin sa posisyon at nilagay pa natin yung anak nung namatay siya. Wala naman tayong ilalagay kasi nasa posisyon na ang itatala natin. Abogado na at mahaba ang experience. 

2. Bakit hindi na lang referendum at hindi RevGov ang tawag?

Sagot: Kung referendum ba, papayag ka na? Eh di Referendum. Its just a name. 

3. Ayaw ng Dilawan ang RevGov, ayaw ni PRD at ayaw ng mga sikat na bloggers, bakit kami maniniwala sa yo.

Sagot: Ayaw ng Dilawan kasi kailangan daw ng isang bonggang rally na may tangke, madre pari at mga bulaklak with theme song from Jim Paredes para maging katanggap-tanggap.  Sensya na. 

Ayaw ni PRD kasi kung harap-harapan siyang susuporta nito, impeachment ang abot niya. Nag-iisip ba kayo? At kung naniniwala kayong ayaw niya talaga, then okey lang. Nasa inyo lang. Hwag niyo lang kaming awayin. 

Kung ayaw ng mga sikat na bloggers, okey lang din. Hindi naman kailangan ng endorsement ng mga sikat para mag-exercise ng isang act of patriotism. Kasi kung kailangan, eh di si JaDine sana ang pinaendorse namin para puno agad ang rally. 

4. Magkakagulo ang RevGov?

Sagot: Sa palagay niyo hindi tayo nagkagulo dati. Kahit nga ang tino ni PRD at maganda ang sitwasyon ngayon, sa palagay niyo ganito pa din pag wala na si PRD? Kung takot kayo magkakagulo, eh di hwag kayong lumabas ng bahay kasi kung magkakagulo, magkakagulo talaga. Ano yan, do not take a risk because there is a risk?



5. Hindi ba magiging diktadur si PRD kung may RevGov?

Sagot: Sa present system, lahat ng Presidente parang diktador pag siya ang nasa posisyon. Kasi pwede niyang kunchabahin ang Congress at judiciary. Kasi siya nag-aappoint ng mga SC justices, siya gumagastos ng budget natin kasama, siya ang nagpapagalaw ng bayan natin. Ang kaibihan lang nung panahon ni Marcos, may time na si Marcos ang gumagawa na din ng batas. Pero sobrang powerful ang Presidente. Kaya nga lahat gusto maging Presidente. Pero ang RevGov, panandalian lang ang pagiging diktador ni PRD at pwede pa nga na matapos agad ang pagiging Presidente niya kasi magiging Federalist State na tayo na walang magiging diktador ever. 

6. Pampapogi lang ba ang pagsuport mo nito?


Sagot: Dati ko na sinabi ang support ko nito. 2015 pa nung narinig ko ang idea na ito kay PRD mismo nung hindi pa siya presidente. Kaya ko siya sinuportahan dahil sa sinabi niya ito. Hindi niyo lang siguro nabasa ang post ko dahil minor blogger lang ako or mas binabasa niyo lang ang post ko kung nang-aaway ako ng dilawan." 






Like this article? Send some love by clicking the LIKE button. Thank you!

0 comments:

Post a Comment