Popular

Wednesday, December 27, 2017

Isang Model ang Namatay matapos mag-Karaoke dahil Inabot ang mga Matataas na Nota!

Isang napakasamang Christmas party ang nangyari sa isang magkakaibigan matapos mag collapsed ang kanilang kaibigan na babae matapos abutin ang mataas na nota sa karaoke. 

Ayon sa report ng China press, isang Singaporean model na si Karen Stella Wong ay nag eenjoy kasama ang kanyang mga kaibigan sa Christmas party na ginanap sa isang karaoke bar noong December 15 sa Neil Road Chinatown.


 

Siya ay isang sikat na modelo sa mga car shows sa kanilang lugar. Ayon sa report si Karen ay kumakanta kasama ang kanyang mga kaibigan ng bigla itong makaramdam ng matinding pananakit sakanyang ulo pagkatapos nitong kumanta at inabot ang mga matataas na nota. Di makalaunan ay nag collapsed bigla ang batang modelo at hindi niya maramdaman ang isang bahagi ng kanyang katawan.Bigla nalang nagulat ang kanyang mga kaibigan dahil siya ay nagcollapsed biglaan at dali-dali naman nilang dinala siya sa Singapore General Hospital (SGH) upang ito'y masuri ngunit bigla nalang na-coma ang batang modelo. Lumalabas sa pag-susuri na "It turned out a blood vessel burst inside her skull, causing internal bleeding that led to the stroke."



Nakakalungkot isipin pagkalipas ng tatlong araw hindi parin siya nagigising sa pagkakacoma niya. At ipinahayag na ng mga Doktor na siya ay nawalan ng buhay sa kadahilanang nagkaroon siya ng "Acute Intracerebral Hemorrhage". 

Tulad ng inaasahan, ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay lubos na nagulat dahil sa kung ano ang nangyari dahil malusog si Karen at hindi nagpakita ng mga palatandaan na siya ay may medikal na isyu bago ang insidente. Nakakalungkot din dahil siya ay nawala ilang araw bago ang ka-paskuhan.



Ang kanyang katawan ay na-cremate noong Disyembre 20, sa seremonya na dinaluhan ng 100 ka-tao. Ang kanyang ina ay nag paabot ng isang mensahe “If I can hear my daughter’s voice and see the smile on her face, that would be my biggest wish for this Christmas.”

Anong masasabi mo tungkol sa kwentong ito? Paalalahanan niyo rin ang inyong mga mahal sa buhay na mag-hinay hinay sa pag-karaoke, kung meron silang iniinda sa kanilang kalusugan upang maiwasan ang ganitong trahedya.

0 comments:

Post a Comment