Popular

Friday, December 1, 2017

700K Kids Who Were Vaccinated During The Aquino Admin Are At Risk Of Getting More Severe Dengue

Friday December 1, news broke that a certain health vaccination program that was initiated by the previous administration under former President Noynoy Aquino has now placed 700K children at risk of catching a more severe strain of dengue virus.

This happened when the government made a deal with Sanofi to administer a test vaccine to 1 million kids in the Philippines.

The said vaccine is the long term Dengvaxia which was supposed to help the receiver stay safe from Dengue. These were administered on April 2016, to grade 4 students and up all over the country.

However, a new finding was released by Sanofi last November 29, that the vaccine itself is effective only to those people who were prior survivors of dengue. Taking this into account, there are about 300,000 kids among those 1 million who have already gotten sick with dengue.

What about the other 700,000? Well, that is the issue now, according to their findings, these 700k children are now at risk to get a more severe strain of dengue for the rest of their lives.

According to Dr. Willie Ong, here are some guidelines to consider:
1. Hindi dapat ibigay ang bakuna sa mga batang HINDI pa nagkakaroon ng dating Dengue infection. Baka makasama ito.  
2. Pero may BENEPISYO ang Bakuna sa mga batang may Dati nang Dengue Infection, at edad 9 pataas. 
3. Malalaman lang kung may dating Dengue infection sa pamamagitan ng isang Blood Test (serological testing) sa mga ospital. May kamahalan ito. 
4. Ang ibig sabihin nito: Kung gusto ninyong magpabakuna sa Dengue vaccine sa inyong Pediatrician, DAPAT ay may Blood Test muna ang bata at maging positibo muna siya sa dating Dengue infections. 
5. Kung hindi tiyak kung may Dengue dati, ay HUWAG muna magpa-bakuna. Dahil posibleng makasama lang ito.
He also reminded everyone that before blames are thrown and people are pointed, there is the timeline that we have to understand first.

1. Noong December 2015, bumili ang DOH ng Dengvaxia para ibigay ng libre sa mga Pilipino. Hindi pa malinaw ang side effects noong panahon na iyon. Mayroon na nag-question kung kailangan ba ang bakuna o hindi, dahil nga BAGO pa ito at may kamahalan. 
2. Noong April 2016, nagsabi ang World Health Organization (WHO) na PUWEDE ibigay ng mga bansa itong bakuna, BASTA may 90% ng populasyon ay may dating Dengue Infection na. Sa Pilipinas, depende sa lugar, may mga Regions na umaabot sa halos 90% ang may dating dengue infection. Kaya ito binigay ng DOH kahit walang Blood Testing. 
3. Ngayong November 29, 2017, naglabas na mismo ang Sanofi drug company, na base sa RESULTA ng bagong pagsusuri nila, KAILANGAN na ng Blood Testing (evidence of past dengue infection) bago ibigay itong bakuna. Para siguradong ligtas ang mga batang babakunahan. 
4. Kaya ngayong November 30, 2017, AGAD akong SUMULAT ng Health Advisory sa inyo, para sa kaalaman ng LAHAT ng Doktor, Pasyente, Magulang at Gobyerno din. Ayaw nating MAHULI ang Pilipinas sa bagong kaalaman.

He also added some answers to the common questions that are often asked about this issue.

1. Bakit ba binigay yang bakuna kung makasasama naman pala sa tao?Sagot: Sa karamihan ng tao na may dating dengue infection, MAKAKATULONG ang Dengvaxia para makaiwas sa komplikasyon ng Dengue. May benepisyo ito. Pero sa mga 10-20% ng Pilipino na wala pang Dengue infection, posible na makasama ito kung sakali na tamaan sila ng Dengue balang-araw. 
2. Mayroon ba dapat managot sa nangyari? Sino ang may kasalanan?Sagot: Mahirap sagutin. Pero para sa akin ay November 29, 2017 pa lamang lumabas ang RESULTA ng pag-aaral na makasasama ang bakuna sa mga batang wala pang dating dengue. Mayroon nang konting HINT dati na posible itong makasama, pero dahil sa WHO statement noong April 2016, na puwede itong ibigay ng bansa base sa kanilang pagsusuri (judgment). Mahirap din kumontra sa WHO statement nang wala tayong sapat na ebidensya. 
3. Paano na ang mga nabakunahan nitong Dengue Vaccine? Ano na ang gagawin ngayon?Sagot: Kung nabakunahan ang iyong anak sa naturang Dengue Vaccine, ay wala naman dapat gawin sa ngayon. Pero kung sa aking opinyon, ay hindi ko na itutuloy pa ang mga susunod na bakuna. Kailangan may blood test muna. Karamihan ng mga nabakunahan (80-90%) ay may benepisyo naman ang bakuna. Pero yung 10-20% na wala pang Dengue dati ang dapat mag-ingat na huwag tamaan ng Dengue. Iwas na makagat ng lamok. 
4. Ano ang puwede gawin ng DOH sa mga bakuna na nabili na nila?Sagot: Kung sa aking mungkahi bilang public health doctor, dapat ay itigil ang pagbigay ng Dengue Vaccine. Hindi naman kaya ng gobyerno na ipa-TEST pa ang lahat ng bata sa Blood Test, bago sila bakunahan. Mahal at magkukulang ang Testing Kits kung para sa buong bayan. Hindi na ito sulit (cost-effective). Mas sulit pa na maglinis ng bakuran para mabawasan ang mamamatay sa Dengue. 
5. Paano na tayo iiwas sa Dengue infection, kung ayaw natin itong Dengue Vaccine (Dengvaxia).Sagot: May pangalawang Dengue Vaccine na pinag-aaralan. Ang Takeda brand ng Dengue Vaccine ay umabot sa 18 months na pag-aaral. Nakita na ang bagong Dengue Vaccine nila ay epektibo sa mga batang may Dating Dengue infection at WALA pang dengue infection. Pero huwag tayo masyado excited. Maghihintay pa ng ilang TAON para MAKASIGURO na ligtas ito at walang side effects na lalabas sa katagalan.Tandaan: Ang pag-iwas sa kagat ng lamok ang pinaka-mabisang paraan para makaiwas pa rin sa Dengue. 
6. Dapat bang magpabakuna sa ibang sakit tulad ng Tigdas, MMR, Polio, Flu at iba pa?Sagot: Oo. Dapat magpabakuna sa Regular Vaccines na binibigay ng DOH. Matagal na ang mga bakunang iyan at SUBOK na at epektibo. Tulad ng Polio vaccine na halos MAAALIS na ang sakit na Polio sa buong mundo. Kakaiba lang ito sa naturang dengue vaccine dahil nga bago pa ito.

Meanwhile, also about the said issue, Sass Rogando Sassot conducted a live video explaining to the people about the issue.

In the end, Sass reminded all the people to be more careful as prevention will always be better than cure. She asked the public to clean their homes and do all the preventions and precautions to make sure that our children will be far from the mosquitos.

Because for now, that is the only thing that we can do, while we are waiting for further updates from the government and Sanofi.

Source: Sass Sassot, Doc Willie Ong

0 comments:

Post a Comment