Popular

Wednesday, November 8, 2017

Presidential sister slammed ABS-CBN journalist Chiara Zambrano: "Huwag na tayong magplastikan"


Presidential sister Jocellyn Duterte-Villarica slammed ABS-CBN journalist Chiara Zambrano on her Facebook post when the latter criticized (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson for asking to reclassify digital media company Rappler from a member of the Malacañang Press Corps (MPC), to a member of her "Social Media" office.


Uson posted her request letter addressed to Communications Secretary Martin Andanar Monday on her Facebook page.

Zambrano said on her Facebook post that this is the way of the government to control the "legitimate journalism."

Chiara Zambrano / Photo from PEP.ph

She also said that it is not their job to make the government's image look good.

"bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo," Zambrano said.

Meanwhile, Presidential sister countered what Zembrano said.

"hindi nga ninyo trabaho ang pabangohin ang administrasyon, pwede ko bang sabihin it's the other way around?...ang problema hindi lang minsan, bias yung mga news releases ninyo. Hindi kami mga tanga na hindi accurate and objective ang reporting na nakukuha at naririnig ng taong-bayan, too bad my alternatibo na ngayon ang social media!" she said.

Read the full post of Jocellyn Duterte-Villarica below:

"Fake NEWS

My dear Chiara Zembrano, hindi nga ninyo trabaho ang pabangohin ang administrasyon, pwede ko bang sabihin it's the other way around?...ang problema hindi lang minsan, bias yung mga news releases ninyo. Hindi kami mga tanga na hindi accurate and objective ang reporting na nakukuha at naririnig ng taong-bayan, too bad my alternatibo na ngayon ang social media!


You are paid to do your job, agree? My question is yong reporting mo ba ay talagang for objectivity and the truth and nothing but the truth, yung walang halong Politika? That would be impossible because you are paid to do what your doing, therefore, huwag magmalinis na wala kayong political color.

So huwag na tayong magplastikan, yung statement mo na hindi ninyo trabaho ang pabangohin ang administrasyon, hindi objective but subjective, coming from a journalist (ikaw) iba dating at tono ... Hindi namam kailangan magpabango ang administrasyon, suportado cya ng taong-bayan... Sa totoo lang, ang mainstream media ang ayaw sa kanya, WHY kaya???"

You can also read the post of Chiara Zambrano below:

"Mga bata, ganito ang itsura kapag sinusubukang kontrolin ng pamahalaan ang mga kilos at galaw ng mga lehitimong mamamahayag.

Nakakainis nga naman siguro pag kinokontra ka palagi, pag hindi kinakagat ang mga alok mong propaganda, at binabasag lagi ang iyong trip. Eto lang po kasi ang problema: bilang mga lehitimong mamamahayag, hindi namin trabaho ang pabanguhin ang imahe ng gobyerno, o ipakalat ang gusto mong propaganda, o ipromote ang trip mo. Ang trabaho naming lahat, hindi lang ng Rappler, ay walang humpay na pagmamatyag sa mga kilos ng pamahalaan at pangyayari sa lipunan. Ilabas kung ano ang mali, sino ang mali, ipaliwanag kung bakit. Ipagbunyi ang gumagawa ng tama, para pamarisan. Ilatag lahat sa taongbayan, para sa oras na kailangan niyong pumanig, tumindig, magdesisyon, kabisado na ninyo at kaya na ninyong panindigan ang sarili ninyong desisyon.


Hindi ito kagagawan ni Mocha. Hindi siya ganyan magsulat. Ang nakikita natin ngayon ay ang kanilang makinaryang gumagalaw. Hindi rin nila ito pwedeng maliitin at palabasing "housekeeping" measure lang, kasi wala naman sa ating pinanganak kahapon. Ito talaga ay tangkang busalan ang isang lehitimong grupo ng mga mamamahayag.

Kaso, bukod sa medyo palyado yung logic at premise ng buong kilos na ito, hindi po talaga pwede yun eh.

"No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press..."

Hindi ko yan inimbento, merong tinatawag na 1987 Philippine Constitution, kung saan naka-base, nakatuntong, at umiikot ang lahat ng ating mga batas."

***
--------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment