Popular

Tuesday, October 3, 2017

WATCH: Honeylet Avanceña, naiyak sa pagtatanggol kay President Duterte


Sa naging talumpati ng common-law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Cielito "Honeylet" Avanceña nitong Lunes, hindi nito napigilang maiyak sa pagtatanggol sa kanyang asawa.



Naging guess of honor si Avanceña sa paglulunsad ng "Life After TokHang" program sa Camp Crame ng Philippine National Police (PNP) para sa mga sumukong sangkot sa droga.

Iginiit ni Avanceña na hindi nag-uutos si Duterte na pumatay at meron din siyang mga patama sa number one kritiko ng pangulo na si Senador Antonio Trillanes IV.

"You can see the goodness in his heart. He (Duterte) will never instruct PNP to kill people. It's not his style, it's not his cup of tea," saad niya.



Sinabi rin nito na may mabuting puso si Duterte at pinasaringan si Trillanes.

"Trillanes has been hitting us since a week before election. Eh bakit buhay pa siya? 'Di ba? Wala naman nangyayari eh."

Ayon sa GMA News, sa mga twitter post ni dzBB reporter Glen Juego sa bahagi rin ng talumpati ni Avanceña, sinabi nito ang layunin ni Duterte na tugunan ang mga problema ng bansa.

"Pwede nang pabayaan na lang ng Pangulo ang mga problema tulad ng iba, tutal nanalo na siya pero hindi siya ganon," ayon kay Avanceña.

"Nakakalungkot lang na parang hindi Pilipino ang iba sa atin, puro na lang batikos," dagdag niya.

PANOORIN ANG VIDEO SA IBABA:




Source: GMA News Online
----------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment