Popular

Tuesday, October 3, 2017

Veteran Actor defends himself from critics during the Luneta rally


Notable actor Pen Medina made things clear to the people who got hurt in his speech in Luneta on the National Day of Protest last Sept. 21 in his Facebook post on Tuesday.



Medina clarified that he represented no political party or group during the rally for he was only there as an ordinary citizen, invited by the organizers to speak in front of thousands people. 

According to him, not all rallies are being attended by him.

Moreover, the actor quoted a statement in his speech that no administration has ever done change in the country before, starting from the Marcos Regime down to Noynoy Aquino’s administration. For he believes that the past administrations are all the same.

Kasi parepareho lang sila, magkakasama sa isang grupo ng lipunan natin, ang napakaliit na tuktok ng tatsulok- barkadahan ng mga mapagsamantalang politiko at mga negosyanteng ubod ng yaman,” he said.



He added that there a lot of Filipino people suffering in their day-today- lives yet the group of these abusive leaders and rich businessmen could throw their money away in one drinking session that could already make one family eat for half a year.

Kita naman natin- hanggang ngayon, marami pa rin sa mga kababayan natin ang naghihirap ( nasa ibaba, malaking bahagi ng tatsulok), walang disenteng tirahan; hirap o hindi mapag-aral, lalo na mapagtapos ang mga anak; hindi nakakakain ng tama at sapat, nagpapalimos kung kanikaninong politiko, sa mga istasyon ng tv o radyo, sa PCSO, para sa gamot o pagpapaospital o pampalibing ng kanilang mga mahal sa buhay; napipilitang magpalimos o dumiskarte para mabuhay sila at ang kanilang mga anak samantalang ang barkadahan ng mga mapagsamantalang politiko at mayayamang negosyante ay nakakaubos ng ilang bote ng alak at pulutan, sa isang inuman lang, na nagkakahalaga ng perang kaya nang magpakain ng isang pamilyang mahirap sa loob ng kalahating taon,” he said.

Medina also pointed out that one year is enough for Duterte to exercise his power over this group of abusive leaders and rich businessmen for them to give their workers their rights or benefits they are entitled to.



Sa hawak na kapangyarihan ni Duterte sa ngayon, sapat na ang isang taon para pilitin ang mga barkada niya na magpasuwedo ng tama sa mga trabahador at empleyado; tanggalin ang kontraktuwalisasyon; tulungang magkaroon ng sariling lupa ang mga mahihirap na magsasaka, itigil ang smuggling at hoarding ng mga produktong sinasaka,” he said.

Sapat na ang isang taon para ipakita niya na ang mga ginagawa niya ay para sa taumbayan lalo na ang mahihirap at hindi para sa mga kabarkada na ngayon ay parami nang parami. Sana mali ako sa matagal ko nang hinala (panahon pa ng eleksiyon) na parang lumalabas na ngayon- ginagawa ni Duterte ang lahat ng ito para sa pamilya Marcos, specifically para kay Bongbong, “the veteran actor added.

In his full Facebook post, Medina said,

PARA PO ITO SA MGA SUMAMA ANG LOOB SA AKIN DAHIL SA MGA IPINAHAYAG KO SA LUNETA RALLY 

(Mula po ito sa usapan namin sa fb ng isang umaasa sa mga pangako ni Presidente Duterte):

Wala po akong grupo, wala akong partido, kaya nakakapagsalita lang ako sa entablado kapag naimbitahan ng mga organizers ng rally na mag-isa kong pinupuntahan (kung natitiyempong hindi ako abala sa paghahanapbuhay), bilang ordinaryong mamamayan. At hindi lahat ng rally ay napupuntahan ko. Kung napansin mo sa mga salita ko sa Luneta, sinabi kong wala pang administrasyon, wala pang presidente, kasama si Noynoy, mula pa noong panahon ni Apo Ferdie hanggang ngayon, ang nakagawa ng tunay na pagbabago. Kasi parepareho lang sila, magkakasama sa isang grupo ng lipunan natin, ang napakaliit na tuktok ng tatsulok- barkadahan ng mga mapagsamantalang politiko at mga negosyanteng ubod ng yaman. 

Kita naman natin- hanggang ngayon, marami pa rin sa mga kababayan natin ang naghihirap ( nasa ibaba, malaking bahagi ng tatsulok), walang disenteng tirahan; hirap o hindi mapag-aral, lalo na mapagtapos ang mga anak; hindi nakakakain ng tama at sapat, nagpapalimos kung kanikaninong politiko, sa mga istasyon ng tv o radyo, sa PCSO, para sa gamot o pagpapaospital o pampalibing ng kanilang mga mahal sa buhay; napipilitang magpalimos o dumiskarte para mabuhay sila at ang kanilang mga anak samantalang ang barkadahan ng mga mapagsamantalang politiko at mayayamang negosyante ay nakakaubos ng ilang bote ng alak at pulutan, sa isang inuman lang, na nagkakahalaga ng perang kaya nang magpakain ng isang pamilyang mahirap sa loob ng kalahating taon. 

Ang barkadahang ito ay nakakapunta sa ibang bansa ng kahit ilang beses sa isang taon para mamasyal lang at mamili ng mga damit, sapatos, bag, mga relo na nagkakahalaga ng libo-libo, daang libo, kalahating milyon, isang milyong piso o higit pa bawat isa. Sa hawak na kapangyarihan ni Duterte sa ngayon, sapat na ang isang taon para pilitin ang mga barkada niya na magpasuwedo ng tama sa mga trabahador at empleyado; tanggalin ang kontraktuwalisasyon; tulungang magkaroon ng sariling lupa ang mga mahihirap na magsasaka, itigil ang smuggling at hoarding ng mga produktong sinasaka. Sapat na ang isang taon para ipakita niya na ang mga ginagawa niya ay para sa taumbayan lalo na ang mahihirap at hindi para sa mga kabarkada na ngayon ay parami nang parami. Sana mali ako sa matagal ko nang hinala (panahon pa ng eleksiyon) na parang lumalabas na ngayon- ginagawa ni Duterte ang lahat ng ito para sa pamilya Marcos, specifically para kay Bongbong.

***
Source: Facebook / Pen Medina
------------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment