Popular

Monday, October 16, 2017

Uson defends Andanar: "Kung alam niyo lang po ang pagod ng tao na ito sa pag-aayos ng PCOO kayo ay hahanga din"


Appointed Assistant Secretary of Presidential Communications Operations Office (PCOO) Mocha Uson cleared up issues being hurled against his colleague, PCOO Secretary Martin Andanar.


Uson said she admires Sec Martin’s earnestness for putting order in PCOO and she hopes that people would know how much hard work the secretary puts on this. She also believes that PCOO just functions well in Duterte’s administration because in P-Noy’s term, the funds were not used accordingly.

Ngayong administrasyon lang gumawalaw ang PCOO. Dinatnan ni Sec. Martin ang PCOO ng walang-wala. Alam niyo kung bakit? Dahil sa mga nakaraang Administaryon ang ginagawa nila ay kinukuha lang ang pondo at nag hihire lang ng PR sa Pangulo at malamang ang ibang budget ay naibubulsa na,” Uson noted.

Ngunit sa pamamahala ni Sec Martin inayos niya ang lahat ng nakadikit na opisina nito. Tulad na lang ng PTV, PIA, PNA, RTVM, Radyo Pilipinas at napakarami pang iba. Halos hindi na natutulog si Sec. Martin upang gawing pang International ang quality ng mga ito,” she added.


Moreover, Uson answered all the issues thrown against Sec. Andanar such as his incompetence as the PCOO secretary, his failure to protect the President from all his critics, his management issues in handling the treachery in mainstream media as well as his issue of being a “Dilawan”.

Uson also emphasized that she was not told to defend the PCOO secretary.

In her full Facebook post, Uson said,

"PCOO AND SEC MARTIN

Alam niyo po mga kaDDS ako po ay nasasaktan tuwing may bumabatikos kay Sec. Martin ngunit gayunpaman hindi ako nagdaramdam. Dahil ang mga opisyal ng Gobyerno ay hindi dapat balat-sibuyas. Kalayaan po ng bawat isa na batikusin ang mga opisyal ng gobyerno. Ngunit kung ako po ay inyong tatanungin 
si Sec. Martin po ay aking hinahangaan. Kung alam niyo lang po ang pagod ng tao na ito sa pag-aayos ng PCOO kayo ay hahanga din. 


Ngayong administrasyon lang gumawalaw ang PCOO. Dinatnan ni Sec. Martin ang PCOO ng walang-wala. Alam niyo kung bakit? Dahil sa mga nakaraang Administaryon ang ginagawa nila ay kinukuha lang ang pondo at nag hihire lang ng PR sa Pangulo at malamang ang ibang budget ay naibubulsa na.


Ngunit sa pamamahala ni Sec Martin inayos niya ang lahat ng nakadikit na opisina nito. Tulad na lang ng PTV, PIA, PNA, RTVM, Radyo Pilipinas at napakarami pang iba. Halos hindi na natutulog si Sec. Martin upang gawing pang International ang quality ng mga ito. HINDI PERPEKTO SI SEC MARTIN dahil wala namang perpekto. Ngunit ang sigurado ako ay ginagawa niya ang trabaho niya na higit pa sa sinasabi ng kanyang mandato.

Pangalawa po gusto ko lang sagutin ang ilang mga katanungan at hinaing natin kay Sec Martin.


1. "BAKIT HINDI NIYA IPAGTANGGOL ANG PANGULO??" - Una, gustuhin man niya ngunit hindi ito ang kanyang mandato. Pangalawa, pinag-usapan namin ito at gustuhin man niyang ipagtanggol si Tatay ay siya ay pinagbawalan ni Pangulong Duterte. Ayaw ng Pangulo ang pinagtataggol siya ng kanyang mga Secretaries. Ang gusto lamang ng Pangulo ay gawin nila ang trabaho nila at siya na ang bahala sa sarili niya.


2. "BAKIT HINDI TANGGALIN ANG MGA MEDIA NA TRAYDOR SA BAYAN TULAD NG RAPPLER?" 

Una, wala pong kapangyarihan ang PCOO na pagbawalan ang Mainstream Media. Panagalawa, si PRRD na mismo nagsabi na hindi siya payag sa Media censorship kahit siya pa ay batikusin nito ng paulit-ulit.

3. “GAWIN NA LANG NIYA ANG TRABAHO NIYA” 
Opo ginagawa niya ang trabaho niya at kadalasan higit pa sa trabaho niya. Inaayos niya maging ang mga nasa ahensya na nakakabit sa PCOO at sa mga probinsya. Napakaraming nilalabas na goodnews ang PCOO tulad na lang ng REAL NUMBERS, BUILD BUILD BUILD, DUTERTENOMICS, CABINET REPORT at marami pang iba. Uulitin ko po ang trabaho ng PCOO ay ang ilabas ang magagandang balita at i-communicate ito sa taumbayan.

4. "SI SEC MARTIN AY DILAWAN” 
Ito ang pinaka nakakatawa sa lahat. Alam niyo po kung bakit? Sa gitna ng napakaraming batikos na tinanggap natin sa loob o labas man ng PCOO si Sec. Martin lamang ang tumayo at ipinagtanggol tayo. Sa tindi ng pressure ni Sec Martin mula sa mga dilawan at mga media na tanggalin tayo sa trabaho siya ay nanatiling matapang na nagtatanggol sa atin. Bakit??? Kasi alam niyang tayo po ay tunay na DDS. At ipaglalaban niya na tayo ay manatili sa PCOO upang may access ang mga ordinaryong Pilipino sa Pangulo. Ganito kasi po yan mga kaDDS. Tandaan po natin ang lahat ng makakalapit sa Pangulo ay may tinatawag na Protocol. Hindi basta-basta makakalapit sa kanya dahil may sinusunod na proseso ang OFFICE OF THE PRESIDENT. Ang tawag po diyan ay PROTOCOL. 

Bilang Asec ng PCOO na may mandato/kautusan na sumunod sa Pangulo at makapanayam at mailapit ang hinaing ng ating mga kababayan nagkakaroon tuloy tayo ng Access. AYAW YAN NG MEDIA. Kasi mauunahan sila ng SOCIAL MEDIA. Kaya kung papansinin niyo madalas nauuna tayo kesa sa kanila dahil nga ASEC po tayo ng PCOO. Kaya nalang pinepressure si SEC MARTIN na tanggalin ako tuwing nagkakamali ako sa pagpost sa sarili kong page. BUT BUT BUT Sec Martin stood by my side and defended me. Bakit? Para ang mga ORDINARYONG PILIPINO ay may access sa Pangulo. Imaginin nyo nalang lahat ng balita nanggagaling lang sa MEDIA??? Malamang bagsak na bagsak na ang ratings ng Pangulo.

UULITIN KO HINDI PERPEKTO SI SEC MARTIN. Ngunit madami siyang nagagawa at higit pa ito sa kanyang Job Description. 



ISA PA GUSTO KO LANG LINAWIN HINDI PO AKO INUTUSAN NA IPAGTANGGOL SI SEC MARTIN AT LALONG HINDI PO TAYO SUMISIPSIP LAMANG DAHIL SIYA AY AKING BOSS. TANDAAN PO NATIN SA PCOO AKO PO AY DIREKTANG INAPPOINT NI PRRD. HINDI PO SI SEC MARTIN ANG NAGLAGAY SA AKIN SA PCOO. SEC MARTIN IS MY BOSS BUT I AM ONLY ANSWERABLE TO PRRD AT SIYEMPRE SA MGA PILIPINONG NAIS NG PAGBABAGO. Sa madaling salita hindi ko kailangang sumipsip. At kilala niyo po ako mga kaDDS. Pag mali ay akin itong babatikusin tulad na lang ng pagbatikos ko sa LTFRB at DICT SEC. At hindi lang batikos ngunit sasabihin pa po natin ito kay PRRD dahil tulad ng aking sinabi yan ang ating trabaho ilapit ang hinaing natin sa ating Pangulo. NGUNIT pag karapat dapat naman ipagtatanggol atin itong gagawin. Tulad nalang nitong kay Sec Martin.

Pero let me make myself clear hindi po ako nagdaramdam sa sinomang bumabatikos sa PCOO. Dahil ako po mismo naniniwala na marami pa rin dapat ayusin sa PCOO. IIsa lamang po ang point ng buong post na ito- si SEC MARTIN AY NAGTRATRABAHO HIGIT PA SA ATING NAKIKITA.

Maraming salamat po."

***
---------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment