Popular

Monday, October 2, 2017

Jinggoy Estrada, hiningian raw ng pera noon upang maibaba ang kanyang kaso


Ayon kay dating Senator Jinggoy Estrada, mayroon talagang korapsyon sa Office of the Ombudsman.



Hindi ko na sasabihin kung sino. Meron nag-approach sa akin. Hindi naman directly sa akin [but] thru an emmisary. Humihingi sila ng pera sa akin… para babaan daw ang kaso ko.. hindi ako pumayag sabi ko ituloy nyo na… wala ako itinatago,” sabi ni Estrada.

Isa raw emisaryo ang ginamit ng Office of the Ombudsman upang siya ay malapitan at hingian ng pera kapalit ng pagbaba sa kanyang kaso, sa halip umano na plunder ay gagawing graft na lamang ito.

Tumanggi raw ang Senator sa alok dahil malinis daw ang kanyang konsensiya at wala raw siyang itinatago.

Ayon sa Senador, nasa level daw ng field investigator ang umano'y nag-alok sa kanya noong 2013.


Ako? Hindi na siguro.. kalimutan ko na pangalan basta field investigating officer early state..sige downgrade ko kaso.  Sabi ko sige tuloy nyo wla naman ako tinatago. Tinuluyan nga,” sabi ni Estrada.

Nanahimik nalang umano si Estrada noon dahil kahit wala pa raw siyang kaso ay nahusgahan na siya.

Si Ombudsman Morales parang track mind. Wala pa ngang kaso [noon], pre-judge na kami, guilty na kami. Pa’no ko isusumbong sa kanya?,” sabi ni Estrada.

***
Source: News5
-------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment