Popular

Thursday, October 26, 2017

Iloilo City Mayor Jed Mabilog, tanggal na sa serbisyo


Sa dismissal order na inilabas ng Ombudsman, tanggal na sa serbisyo bilang Mayor ng lungsod ng Iloilo City si Jed Patrick Mabilog.


Ang pagkatanggal sa serbisyo ni Mabilog ay may kaugnay sa kasong “serious dishonesty relative to unlawful acquisition of wealth.”

Ayon sa report, kahit kailan ay hindi ma maaaring manungkulan si Mabilog sa kahit na alinmang tanggapan ng gobyerno at hindi rin nito matatanggap ang kanyang retirement benefits.

Ang kaso ni Mabilog ay isinampa noong 2015 ni dating Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada.

Photo from Rappler

Sinampahan ni Mejorado si Mabilog ng kasong plunder, dishonesty, grave misconduct at perjury bilang Mayor.

Ayon sa complaint affidavit ni Mejorada, tumaas umano ng P54 million ang angking yaman ni Mabilog matapos nitong manungkulan bilang alkalde ng lungsod.
Photo from Philstar.com

Nakasaad rin sa affidavit na hindi raw tama ang idineklara ni Mabilog na kanyang ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito noong 2014.

Dagdag pa ang pagkakaroon ni Mabilog ng mga ari-ariang hindi kayang bilhin ng isang alkalde dahil hindi sapat ang kita nito.

Kabilang sa nasabing bahay ni Mabilog ay ang nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mala-mansion ang laki.

Photo from newsinfo.inquirer.net

Hindi rin naideklara ni Mabilog sa kanyang SALN kung saan nanggaling ang mga yaman nito.

Samantala, ang alkalde ay naka-sick leave parin sa ngayon at nasa ibang bansa.

Ayon naman sa tagapagsalita at legal counsel ni Mabilog na si Atty. Mark Piad, natanggap na umano nila ang impormasyon ngunit wala pa silang hawak na dokumento sa dismissal order.

***
Source: Bombo Radyo Philippines
----------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment