Popular

Tuesday, September 12, 2017

VM Duterte on Trillanes: “Mas mukha pa ngang drug addict yung p*t***-i** na may gusto sa akin sa Senado.


Noong nakaraang pagdinig sa Senado patungkol sa 6.4 billion shabu shipment, inakusahan ni Senator Antonio Trillanes IV si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na isang miyembro ng drug sydicates na Triad, at ang isa raw sa mga patunay nito ay ay kanyang dragon tattoo sa likod.



Sa isang press conference kanina sa Davao City, sinabi ni VM Duterte na ipapakita niya ang kanyang tattoo sa tamang panahon.

Hindi kami uto-uto, when the time comes na nahulog na siya at naputol na ang pakpak niya dahil sa taas ng kanyang lipad, ipapakita ko ‘to. sinabihan ko nga yung tattoo artist ko, I also texted baste kasi kaibigan nya yun, not to post my tattoo. Iinisin mo muna yung kalaban hanggang mabiyak yung ulo nila, lalo na ‘tong mga yellowtards. Lalo na yung nasa social media, nabaliw na sa kakasalita. Let them eat the dragon then I will show you my tattoo. not now,” sabi ni VM Duterte.

Ayon sa kanyan, mas mukhang drug addict si Trillanes kaysa sa kanya.



Mas mukha pa ngang drug addict yung p*t***-i** na may gusto sa akin sa Senado. Kaya lumalabas gumagamit yun to have the confidence to ask questions para maging matapang. Totoo yan, tingnan mo yung mukha,” giit ni VM Duterte.

Hindi rin pinalampas ni VM Duterte ang broadcaster na si Karen Davila na bumabatikos umano sa kanya.




Karen Davila? yung nangungugat? ganito nalang, I urged Karen Davila na ipapakita ko sa kanya yung tattoo, pero kaming dalawa sa kwarto sa hotel,” sabi ni VM Duterte

Ipinakita rin ni VM Dutere sa media ang kanyang relong Audemars Piguet na nagkakahalaga umano ng 1.9 million pesos.

Kunin mo to, ibenta, pag-umabot ng 1.9 million, hati-hatiin nyo media ang pera. pero kapag ‘di tinanggap, ibalik nyo sa akin. Umambisyon lang naman ang mahirap kahit… oh ayan. wag ka mag alala, may isa pa ako,” sabi ni VM Duterte.

WATCH A RELATED VIDEO BELOW:




***

Source: News5
-------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment