Popular

Friday, September 8, 2017

President Duterte: "Sinasabotahe tayo"





Sa naging speech ni Pangulong Rodrigo Duterte kanina sa 17th anniversary founding ng Digos City, sinabi niya na may sumasabotahe sa Philippine National Police (PNP) dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga menor de edad kamakailan.

Nandito si PNP Chief [Ronald dela Rosa].  Silipin mong mabuti kasi sinasabotahe kayo.  Sinasadya talaga ‘yan.  Alam mo ang police, magbaril yan, if at all – o sabihin mo extrajudicial pero hindi magbalot. That is not the job of a police na magbalot.  So mayroong nagsasabotahe,” sabi ni Duterte.

Ayon sa Pangulo, kamag-anak raw umano niya ang UP student na si Karl Arnaiz na kamakailan ay napatay ng mga pulis dahil umano sa panghohold-up ng taxi.



Isa dyan sa pinatay, relative ko… Si Carl Arnaiz. Kamag-anak ko ‘yan. Kung gusto niyong malaman. Ako? Papayag ba ako na patayin kamag-anak ko?” sabi ni Duterte.

Muli ring binanatan ng Pangulo si Senator Antonio Trillanes IV at tinawag itong duwag at pinayuhan ang mga pulis at sundalo kung sakaling bastusin sila nito.

“‘Yang style ni Trillanes, ‘wag kayong pumayag. ‘Pag ganun, tindigan ninyo. P******** ka lumabas ka diyan. Draw tayo. Hambugero [Mayabang]. Talawan man na! [Duwag naman ‘yan!],” sabi ni Duterte.



Iginiit ulit ng pangulo na hangga't walang idinidiklarang ceasefire ang CPP-NPA ay wala umanong mangyayaring peace talks. Ngunit kung susuko ang mga ito, handa raw siyang gawing mga sundalo ito.



***
Source: News5
-----------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment