Popular

Saturday, September 23, 2017

Netizen protesting to protesters of the National Day of Protest goes viral


As part of the National Day of Protest, netizen Webster Joseph Melgarejo Vejano posted in his Facebook portraits of himself holding placards where he wrote his protests addressed to protesters of the recent National Day of Protest last September 21.
Aside from the photos, the former member of an activist group in the North also wrote in the post his fury towards protesters who are just being paid to join the mobilization.

“HINDI NA PRINSIPYO ANG IPAGLALABAN NYO. HINDI NA DAHIL YAN ANG DIKTA NG MGA PUSO NYO. HINDI NA DAHIL MAHAL NYO ANG PILIPINAS AT ANG PILIPINO… Wag na tayong maglokohan! Karamihan sa inyo’s salapi lamang ang motobasyon upang mag-ingay, mambwiset, magsunog, mangharang, magmura ang paborito mo, MAGKALAT sa mga kalsada”, he said.

He also retorted the issues being rallied upon by the protesters such as free education, abolishment of contractualization and the impediment of the President’s so-called “Martial Law”.


Vejano’s post received thousands of shares and positive feedbacks from his fellow netizens.

Read Vejano’s full post below:

Bilang pakikiisa sa #NationalDayOfProtest, nais ko din, kahit lamang sa pamamagitan ng aking social media account, na ibahagi ang aking saloobin ukol sa usaping ito.

Ang pakiusap ko lang, bilang naging miyembro ako ng isang makakaliwang grupo sa isang siyudad sa norte, may ilang taon na ang nakakaraan, na wag nyong gawing negosyo ang tunay na kilusan.

HINDI NA PRINSIPYO ANG IPINAGLALABAN NYO. HINDI NA DAHIL YAN ANG DIKTA NG MGA PUSO NYO. HINDI NA DAHIL MAHAL NYO ANG PILIPINAS AT ANG PILIPINO... Wag na tayong maglokohan! Karamihan sa inyo'y salapi lamang ang motibasyon upang mag-ingay, mambwiset, magsunog, mangharang, magmura at ang paborito mo, MAGKALAT sa mga kalsada.

Hindi kailanman naging mali ang mag-protesta kung dalisay ang iyong layunin pero para ipagpalit sa 1-pc Chicken meal at limandaang peso ang iyong dangal... masyado na yatang mababa ang tingin mo sa iyong sarili, kaibigan.

Kung naniniwala kang marami pa ring mali sa gobyerno, bakit hindi mo ipaabot sa maayos na paraan ang iyong reklamo? Nakakaloko ka eh... Bakit?

Una, sabi mo "ALISIN ANG MATRIKULA", sumagot ang gobyerno at inihatag sa mukha mo ang Libreng Matrikula sa Lahat ng State Universities pero pumalag ka pa rin at sinabi mong kulang... nagpapa-refund ka pa nga sa Miscellaneous Fee mo. Ang lakas mo!

Ikalawa, sabi mo "IWAKSI ANG KONTRAKTWALISASYON", naglabas ng bagong patakaran ang DOLE at itinaas pa nga ang multa laban sa mga korporasyong lalabag dito pero dismayado ka pa rin... Naisip ko lang, MAY TRABAHO KA BA o habit mo lang talagang kumahol?

Ikatlo, sabi mo "TAMA NA ANG DIKTATURYA", ang pangulo na mismo ang sumagot at binigyan ka isang araw para mag protesta pero diktador nga bang maituturing na malaya ka pang makapambuska laban sa sarili mong pamahalaan at magkaroon ng permisong ukupahin ang mga daanan at patid-litid na ipagsigawang wala ka ng kalayaan?

Marami nang nagawa ang gobyerno at wala na akong panahon na ilista pa ito dito. Batid ko ring may mga kakulangan at may mga pagkakataong napapa-iling din ako sa mga bagay na di ako sang-ayon pero para sayangin ang pagod ko na mag-hysterical sa lansangan, kikilos na lang ako ng tahimik, sampu ng karamihan sa aming mga manggagawa, upang kumayod para makaipon at umasenso sa buhay.

Walang presidenteng perpekto. Walang gobyernong Made in Heaven. Dalawa lang naman yan, maging isa kang responsableng mamamayan at isang nilalang na putak ng putak at iaasa ang lahat sa kung sinuman dahil ang pakiramdam mo utang na loob sayo ng mundo na bigyan ka ng magarbong buhay kahit pagkakamot lang ng ______ ang iyong inaatupag."

#UmayosKaKasi #MagtrabahoWagPuroReklamo #WagKangEntitled

***

Source: Facebook / Webster Joseph Melgarejo Vejano
-----------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment