Popular

Friday, September 15, 2017

Kapitan ng barko na napagkamalang police intel, kinuyog ng mga militanteng grupo


Isang kapitan ng barko ang nagtamo ng pasa sa katawan at bukol sa ulo pagkatapos umano itong kuyugin ng mga militanteng grupo na nagsagawa ng rally kahapon ng umaga, biyernes, September 15, sa TM Kalaw Ermita Manila.


Ayon kay Capt. Melchor Duran, galing umano siya sa pagpapamedical ng madaanan ang ginagawang rally ng mga militanteng grupo.

Habang pinapanood ang mga nagkikilos protesta ay napagkamalan siyang Intel ng MPD at ito umano ang dahilan nang bigla siyang hatakin at pinagsisipa ng mga militanteng grupo.

"Dumaan ako diyan dahil curios ako sa ginagawa nila. Tapos may lumapit sa akin, tinanong ako ano ba raw ako, pulis ba raw ako o ano. Sabi ko hindi," kwento ni Duran.

Mabuti nalamang ay agad naawat ng mga unipormadong pulis na nakadeploy sa lugar kaya hindi na gaanong nabugbog ng husto ang kapitan ng barko.

Plano ni Duran na magsampa ng kasong physical injury sa General Assignment Divion ng MPD laban sa mga gumulpi sa kanya.

Panoorin ang video sa ibaba:



Source: News5
-------------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment