Popular

Sunday, September 10, 2017

Grade 7 student hinalay ng pastor



Inaresto ang isang 70 years old na pastor sa Caloocan City matapos ireklamo ng panghahalay ng isang grade 7 na studyante.

Nahaharap sa kasong 2 counts rape ang pastor na si Jose Talampas o mas kilalang Mang Pito sa Villa Gutierrez St., Sangandaan, Brgy 3.

Itinago naman sa pangalang Marimar ang dalagang biktima na 18 years old.

Ayon sa report ng Caloocan City Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), naganap ang insidente madaling araw, alas 12:00 ng hatinggabi sa bahay mismo ng pastor.

Ayon kina PO2 Sarah Julaton at PO2 Gina Casintahan, ikinuwento ng dalaga kung papaano nangyari ang insidente. Kasalukuyan umano siyang nagbibisikleta nang tawagin siya ng pastor at yayaing pumasok sa bahay nito.

Nagtiwala ang biktima at pumasok sa bahay ng suspek dahil pastor naman ito.

Dalawang beses umanong isinagawa ng suspek ang panghahalay sa kanya.

Pinauwi naman ng suspek ang dalagita pagkatapos ng panghahalay, dito na umano siya nagsumbong sa kanyang mga magulang upang madakip ang pastor.


***

Source: Philippine Star
----------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment