Popular

Wednesday, September 27, 2017

Gabby Conception on Duterte's gaffe: "We all make mistakes"



Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Setyembre 26, nagkamali ito sa pagkakabanggit ng pangalan ng aktor na si Gabby Conception.

Sa ika-120 anibersaryo ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng Pangulo: “Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera, p*****ina ka. E, totoo man. E, sus."



Samantala, tinawanan lamang ito ng aktor at sinabing lahat naman ay nagkakamali.

Sa kanyang Instagram, nagbigay ng kanyang reaksyon si Gabby at sinabing "We all make mistakes."

Dagdag pa nito, "Thank you for watching Ika 6 na Utos sir President."

Ginamit din ni Gabby ang mga sumusunod na hashtags: "#DU30 #ika6nautos #forgive #goodvibes #goodvibesonly #gmadrama #gmanewstv"

Si Gabby ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte kahit noong panahon pa ng kampanya.




Source: PEP
----------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment