Popular

Wednesday, September 20, 2017

ER Ejercito on former President Noynoy Aquino: "Pag makita ko siya, babarilin ko siya talaga."


Sa isang interview ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) kay dating Laguna governor ER Ejercito, masama pa rin raw ang kanyang loob kay dating Pangulong Noynoy Aquino.



Sinisisi ni ER si PNoy dahil sa pagkakatanggal niya sa posisyon noong 2015 dahil sa campaign overspending noong May 2013 election.

Ayon kay ER, napatawad na raw niya ang dating pangulo ngunit hindi raw niya makakalimutan ang pangalang Noynoy Aquino.

Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin kapag nagkita sila ni PNoy, naging matapang at seryoso ang kanyang sagot.

Kay Noynoy? Babarilin ko sa ulo. Kaya nga panay ang firing ko ngayon, e. Sumasali sa mga competition. Babarilin ko sa ulo si Noynoy Aquino talaga. Pag makita ko siya, babarilin ko siya talaga,” sagot nito.



Sinabi rin ni ER na kailangan makamit ang katarungan sa mga ginawa ni Noynoy sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kailangan makamit namin yung justice. Kasi tinanggal nga ako ni Noynoy, tapos tinanggal si Jinggoy. Magkasunod kaming tinanggal, e. Kaya madami nang atraso ang mga Aquino sa mga Ejercito, e."

Si dating Senator Jinggoy Estrada ay pinsan ni ER na mahigit tatlong taong na de-tain sa PNP Custodial Center Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.



Noong September 16 ay pansamantala itong nakalaya pagkatapos magpiyansa ng P1.33 million.

Tinanggal ni Cory Aquino si Erap bilang mayor nung 1986. Tinanggal na naman ni Cory at ni FVR si Erap nung 2001 bilang president. Tinanggal ako nung 2014...Kaya apat na ang atraso ng pamilya Aquino sa pamilyang Ejercito. Kaya pag makita ko si Noynoy Aquino, babarilin ko talaga sa ulo yun.”

Nagpahayag rin si ER ng kanyang kumento sa pagsasampa ng kaso kay Noynoy dahil sa nangyari sa Mamasapano.

Very happy ako dahil magkakaroon na ng justice kaming mga biktima ni Noynoy Aquino. Magkakaroon ng justice para sa akin, kay Governor Gwen Garcia [of Cebu] na tinanggal din niya, kay GMA Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kinulong niya. Para sa namayapang Chief Justice Renato Corona, pagkulong kay Jinggoy, Bong, Enrile, pagtanggal kay Mayor Rama ng Cebu City, kay Mayor Junjun Binay. At forced resignation ni Chief PNP Bartolome, at forced resignation din kay Ombudsman Mercedes Gutierrez," sabi nito.

Marami kaming biktima, actually. Pag nakulong si Noynoy Aquino sa mental… ay, sa kulungan, matutuwa kaming lahat na nabiktima ni Noynoy Aquino,” dagdag nito.

Ayon kay ER, na dismissed na raw ang kasong isinampa laban sa kanya na naging dahilan ng pagkakatanggal niya bilang governador ng Laguna.

Na-dismiss na yung overspending case, yung overspending daw. Ang overspending, si Aquino at si [Mar] Roxas, hindi ako. Ako, sumunod ako sa three pesos per voter. Dismissed na yung administrative at criminal case na isinampa ng Liberal Party ni Noynoy Aquino sa akin.”

Balak din tumakbo ulit ni ER sa pagka-gobernador ng Laguna sa susunod na eleksyon.

Nabitin ako, e. Dapat nine years mayor, nine years governor. Tinanggal ako bigla ni Noynoy Aquino, dahil tinalo ko yung mga tuta niya sa Laguna, si Joey Lina at Egay San Luis, kaya galit na galit sa akin si Noynoy Aquino. Pinilit niya akong tanggalin. I was not given my day in court, walang rule of law ang pagtanggal niya sa akin,” sabi nito.

Samantala, may tinatapos namang pelikula si ER ngayon, ang SAF 44: The Mamasapano Board Inquiry Report.




Ang pelikula ay base sa pagkakapaslang sa 44 miyembro ng PNP Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

"Hinahabol namin sa January 25, sa third anniversary ng SAF 44. Regalo ko kay Noynoy Aqunio," saad ni ER.


***
Source: PEP.ph
--------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment