Popular

Wednesday, September 6, 2017

DAHIL TATTOO: Sen. Trillanes sinabing miyembro ng TRIAD si Paolo Duterte




Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, isang miyembro raw ng 'triad' si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at ang ebidensiya raw ay ang kanyang tattoo na dragon sa kanyang likod.

Inamin ni VM Duterte na siya ay may tattoo sa likod subalit tumangging ipakita ito.

Sen Trillanes: Yung tattoo mo sa likod, I can imagine, it is colored and a dragon like tattoo? Am I correct?

VM Duterte: I invoke my right to privacy Mr. Chair.

Ayos kay Trillanes, ang impormasyon na ito raw ay galing sa isang foreign country.



Itong intelligence information na ito ay ibinigay sa akin ng isang foreign country na ang sinasabi ay itong si Vice Mayor Paolo Duterte ay member ng triad at ang proof ng kanyang membership ay ang kanyang tattoo sa likod yan ang mag-eexplain ng lahat ng ito at mayroong mga competition among syndicates dahil yan yung proof. That’s the physical evidence of his membership sa triad, yung tattoo,” sabi ni Trillanes.



Ayon naman kay Sen. Richard Gordon, dapat raw mag-ingat sa pag-aakusa si Trillanes lalo na kung wala namang matibay na besehan ang kanyang mga alegason.

We should not make any allegations here without any basis because traid is a very serious accusation and we should not abuse any of the witnesses here,” sabi ni Sen. Gordon.

That’s why I’m going to present the evidence of my allegation which is written and printed and tattooed at the back of Paolo Duterte because that’s the membership of triads, Mr. Chairman. So, I’m not making any baseless allegations here. This intelligence information was handed down to me from a foreign country and na-validate naman at in-admit naman ni Paolo Duterte,” sagot ni Trillanes.



Sa opening statement ni VM Duterte, dumalo siya sa pagdinig upang ipakita ang kanyang respeto sa Senado at upang linisin ang kanyang pangalan, ngunit hindi raw niya sasagutin ang mga tanong na base lamang sa hearsay o tsismis.

***

Source: News5

---------------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!


0 comments:

Post a Comment