Popular

Sunday, September 17, 2017

COMELEC Chair Bautista’s SALN revealed to have false declarations


The Commission on Elections (COMELEC) is, up to this day, haunted by accusations and suspicious that they might have had a hand in rigging the elections considering the anomalous contract with SMARTMATIC.



Atty. Glenn Chong said that he had long prayed for the day that COMELEC’s atrocities would be revealed. One of these is COMELEC Chairperson Andres Bautista’s alleged ill-gotten wealth.



Bautista’s statement of assets and liabilities (SALN) reveal that he had declared two condominiums in Pacific Plaza Tower as Real Properties with a notation that it was owned by XMA Corporation. Chong explains that this is a false claim.

When perusing Bautista’s Real Properties, it reveals that he had used the current fair market value to total to Php 158.5 million when it should have been Php 93.7 million based on acquisition cost.

Chong explained the implications of these declarations in his post,

"IBA TALAGA ANG MAY P1.3 BILLION,

SINASAGOT AGAD NG DIYOS

7 taon na akong nagdarasal na sana matuldukan na ang pandaraya sa ating halalan ng sindikatong COMELEC-SMARTMATIC dahil sinisira nito ang kinabukasan ng isang buong sambayanan. At ang lahat ng kasamaan ay maaring mag-ugat dito. Pero hanggang ngayon, wala pa akong narinig mula sa Diyos.

Samantalang si Chairman Bautista, mag-iisang buwan pa lang yatang nagdarasal kung magleave of absence ba siya o bumitiw na, aba, sinagot agad ng Diyos! Aniya, “Parang ang sagot sa akin, huwag muna.”



Wala akong maisip na malaking pinagkaiba namin maliban na lamang na siya ay nasa panig ng sindikato habang nasa kabilang bakod naman ako, at may P1.3 billion siya samantalang wala naman ako. Tila may paborito ata ang Diyos. Pero teka, baka iba ang Diyos niya sa Diyos ko.

Ayon kay Chairman Bautista, wala raw siyang nakaw na yaman, ang kanyang SALN ay makatotohanan, at ang mga paratang sa kanya ay pawang mga kasinungalingan.

Masilip nga ang SALN!

May 2 malaking kasinungalingan sa SALN ni Chairman Bautista:

1. Ang 2 condos sa Pacific Plaza Towers ay idineklara niyang pag-aari sa ilalim ng Real Properties section ng kanyang SALN. Pero may notation sa ibaba na ito ay pag-aari daw ng XMA Corporation. May idineklara rin siyang pag-aari na shares sa ilalim ng Personal Properties section ng kanyang SALN. Ang shares na ito ay kinumpirma niya sa Business Interest and Financial Connections section bilang shares sa XMA Corporation. Ibig sabihin, ang 2 condos na ito ay dalawang, as in 2, beses niyang dineklara sa kanyang SALN – bilang real property at bilang personal property (shares ng XMA Corporation). Ang resulta nito ay overstated o lumubo ang halaga ng kanyang pag-aari. Hindi ito makatotohanan.

2. Sa subtotals naman ng Real Properties, ang tamang accounting treatment ng assets o pag-aari ay dapat ang acquisition cost o ang halagang ibinayad ni Chairman Bautista upang mabili ang mga ito ang siyang ginamit niya. Pero sa halip, ang ginamit niya ay ang current fair market value o ang halaga na babayaran ng isang bibili at tatanggapin ng isang nagbebenta na walang pumipilit sa kanila. Ibig sabihin, ito ang presyo sa merkado. Dahil ito ang ginamit ni Chairman Bautista, overstated o lumubo ng P64.8 million ang kanyang SALN dahil ang ibinayad niya sa mga ari-ariang ito ay P93.7 million lamang samantalang sa kanyang SALN, P158.5 million ang inilagay niya bilang halaga. Hindi rin ito makatotohanan.

Mahirap isipin na nagkamali lamang ang isang magaling na Chairman Bautista o hindi siya kumuha ng isang certified public accountant upang ayusin ang kanyang SALN samantalang noong nandoon pa siya sa PCGG, financial statements (equivalent ng SALN) ng mga korporasyon ang pinag-uusapan.

Kung malinaw na nagsinungaling si Chairman Bautista sa kanyang SALN, at madaling tumalima ang diyos sa kanyang hiling na sagot, natitiyak kong hindi kami magkapareho ng diyos na sinasamba. Nasilaw siguro sa pera ang kanyang diyos kanya mabilis ang tugon sa kanya.

P.S. Reresbakan na talaga ako nito ng kampo ni Bautista at Lim.

(The author is a certified public accountant.)"

***

Source: Facebook / Glenn Chong
-------------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment