Popular

Thursday, September 14, 2017

3 years old na anak, kritikal matapos ihampas sa sahig ng sariling ama




Isang batang tatlong-taong-gulang sa Vigan City ang nagkaroon ng lamat sa ulo at pamumuo ng dugo sa utak pagkatapos umano siyang ihampas ng sariling ama sa sahig.

Ayon sa GMA News, nagdilim umano ang isip ni Jonathan Villanueva, ama ng bata pagkatapos nilang magtalo ng kanyang asawang si Gina Villanueva dahil sa selos.

Sa report ni Police Inspector Crystal Jane Vismanos, hepe ng Women and Children Protection Desk ng Vigan City Police, pinagbibintangan umano ni Jonathan na mayroon ibang lalaki si Gina.

Mariin naman itong itinanggi ni Gina at sinabing lasing lamang ang kanyang asawa at nananakit pa raw umano ito.

Sa kanilang pag-aaway, bigla na lang daw hinampas ng kanyang mister sa sahig ang kanilang anak.

"Nagkwan yung isip ko na parang nagdilim. 'Di ko alam na karga ko (yung bata). 'Di ko alam kung gaano kataas. Nung nakita ko na yung pagkabagsak nung bata, natulala na lang ako," paliwanag ni Jonathan.


Sa lakas ng impact, nagkaroon daw ng lamat ang kanang bahagi ng ulo ng bata.

"Medyo delikado kasi may dugo daw po sa utak. Pero makukuha naman daw po sa gamot,"  naiiyak na sabi ni Gina.

Nailabas na ang bata nitong Martes ng gabi dahil naagapan agad ang kanyang kritikal na kondisyon.

"Maging aral sa 'yo 'to. Kasi lahat ng paghihirap ko sa 'yo tinanggap ko. Napagtiisan ko pero ngayon yung anak mo 'di ka na naawa. Sobra ka. Yung anak mo ngayon, hirap na hirap na. Pasalamat ka na yung anak mo kahit papano mahal ka niya, ayaw ka niyang ipakulong," saad pa ni Gina.

Samantala, nakalaya rin ang mister matapos magdesisyon ang asawa na hindi na itutuloy ang kaso.

"Ako alam ko naman na di ako papatawarin ng misis ko. Mayakap ko lang anak ko ngayon, yun lang. Kahit anong gawin na nila sa akin dito," ayon sa ama. 

Panoorin ang video sa ibaba: 





Source: GMA News Online
--------------------------
Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment