Popular

Saturday, July 29, 2017

“Pari”- Huli sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na babae

“Pari”- Huli sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na babae
Isang pari ang timbog sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na dalagita sa Marikina City ayon sa ulat ni Zhander Cayabyab ng ABS CBN News.

Ang nasabing pari ay si Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos, 55 taong gulang. Siya’y inaresto sa isang entrapment na operasyon ng mga kapulisan at Department of Social Welfare and Development, ng mahuli itong papasok sa isnag motel.



Kinausap umano ng pari ang isang menor de edad rin na bugaw gamit ang social media upang makuha ang isang 13-anyos na babae ayon sa ulat ng Easatern Police District.

Nakipagkasundo umano ang pari na makipagkita sa menor de edad na bugaw at sa dalagita sa Wave Mall sa Sumulong Highway, Barangay Sto. Niño sa Marikina City. Dahil sa pangyayari, nagsumbong and ina ng 13-anyos na dalagita kaya agad agad na ikinasa ng kapulisan ang entrapment operation.

Si Lagarejos ay nakasakay sa isang berdeng Ford Explorer na may plakang TGO 350. Papasok sana sa isang motel ang nasabing pari nang mahuli ito ng mga awtoridad.

Nang huhulihin na ang pari, nagtangka umano itong bumunot ng baril ngunit hindi ito natuloy ng madikitan na sya ng pulis.

Dagdag pa kamo ng pulisya na ang nais nilang hulihin ay ang grupo sana ng bugaw ngunit sila’y nagulat ng nalaman nila na sangkot dito ang pari.



Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang nasabing pari ay nakadestino sa Marikina City at Rizal at naging dating presidente ng isang Katolikong paaralan. Si Lagarejos ay kilala rin bilang isa sa mga sumusulong sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law.

Si Lagarejos ay inaresto at nahaharap sa kasong kaugnay ng mga batas laban sa child abuse at trafficking in persons.

Dahil sa pangyayaring iyon, ang 13-anyos na dalagita at ang bugaw ay nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng DSWD. Ang nanay ng dalagita ay tumanggi naman na magbigay ng pahayag.
Sa napakaraming pangyayaring nagaganap tulad sa nasabing kaso, mahirap magtiwala kahit kanino lang. Kahit sa mga taong alam natin na nasa katayuan na dapat pagkatiwalaan.

Lagi sana nating bantayan ang lahat ng galaw ng ating mga anak para na rin sa kapakanan ng bata at ng buong pamilya.

Source: ABS-CBN News

0 comments:

Post a Comment