Popular

Sunday, July 30, 2017

A war hero and a Scout Ranger detained because of killing a drug lord

Rafael Alunan III, a former soldier and a former DILG, in his Facebook account; he posted an open message to help a war hero and a scout ranger, Sgt. Darwin Aurelio now detained in Trece Martirez because of killing a drug lord.

A war hero and a Scout Ranger detained because of killing a drug lord
Sgt. Darwin Aurelio
Sir Alunan III indicated on his post the he wanted to request the DILG-PNP and Gov. Boying Remulla as Provincial Peace and Order Council Chair to look into this problem and take proper action in behalf of PRRD. - “Ang ating isang Marawi war hero, isang Scout Ranger, si Sgt. Darwin Aurelio, ay nakakulong ngayon sa Trece Martirez, Cavite dahil nakapatay ng drug lord.” He pleaded.



Colonel Dennis Eclarin, a chairman of Scout Ranger Alumni asked for help to all the media outlets for their buddy Sgt. Aurelio, this is what he said. “Bilang Chairman ng Scout Ranger Alumni Association, ako si Colonel Dennis Eclarin, ay na nag re request sa mga media outlets na nakatutok dito sa Scout Ranger Books, na kung pwede matulungan natin ang aming buddy si Sgt. Darwin Aurelio.” In addition, he showed a message from the family of Sgt. Darwin Aurelio.

Read the message carefully.

"Siya po si SGT. DARWIN AURELIO. Kami po ay humihinge ng tulong. Si Kuya ko po ay kasalukuyan nakakulong ngayon sa BJMP TRECE MARTIREZ, CAVITE dahil po napatay niya ang drug lord ng TRECE. Bakit po ganun?

Noong nasa Zamboanga si Kuya, ang ginagawa po sa amin ng tao na yon ay hinaharas po kami dito. Winawasiwas po nila yung baril nila sa tapat ng aming bahay. Porket ayaw lang sumali ni Kuya sa Guardians nag kaganoon na sya. Ilang beses kami lumapit sa police dito pero ang lagi nila sinasabi sa amin wala pa naman daw po nangyayari.

Sa ginagawa po sa amin ng tao na yon ay death threat na po ang kalalabasan pero yung mga police na nilapitan namin di nila kami pinakinggan, hanggang dumating yung araw na kagagaling lang ni kuya sa Zamboanga. At nung gabi na yon pupuntahan niya sana yung kumpare niya.



Nagkataon nakita siya nung drug lord na ang palayaw ay “Butchoy” at magkatabi kausap ni kuya si Shane na kapatid ng kanyang kaibigan habang nakatalikod si Kuya ay tinutukan Ito ni Butchoy sa ulo ng baril. Nung akmang babarilin na si Kuya ay agad itong yumuko at kanyang nabaril si Butchoy. Pero hindi lang si Butchoy ang bumabaril kay kuya pati ang tatlong kasama pa nito.

Noong Gabi nayon ay agad umalis si Kuya at simula nuon ay marami na kami nabalitaan na babawi sila at nito lang July 9, 2017 ay pinatay ang aming tatay dto rin po sa Hugo Perez, Trece MARTIREZ, Cavite. Kagagaling lang din po ng Marawi ng aking Kuya bumisita lang siya sa amin kasi naghatid sya ng mga wounded at patay dtu sa Fort.

Nuong gabi na yon ay pinagbabaril ang aming tatay. Ngayon po kaming lahat ay pumunta sa hospital pag dating namin dun ay D.O.A na ang aming tatay. Nung una dalawa lang ang pulis na nag iimbistiga. Nung nalaman nila na si Kuya yung nakapatay sa drug lord dtu ay agad kaming dinumog ng mga pulis na mga nakasibilian at yung iba ay lasing pa hinaras po nila Kami at pilot na hinahatak si Kuya na wala naman pinapakitang warrant.

Hanggang sa nakarating po kami sa prisinto ay hinaharas pa rin po nila kami. Yung nanay po namin nagkaroon ng galos sa boo hanggang tenga at namaga po ang kanyang kamay at nag karoon ng bukol ng makarating kami sa prisinto may nakasunod sa amin na mga naka motor. Apat na motor at may mga angkas at nakabonet sila tapos pilit po nila kami pinapauwi para iwan si Kuya Darwin.

Pero nag matigas ako at talagang yakap ko ang aking kapatid di ko po sya binitiwan. Sa tuwing pupuntahan namin si Kuya may humaharang sa amin at may mga naka motor na nakabonet ang sumusunod saamin. Bakit po ganun mas pinapakitang nila ang mga adik dito at halos lahat sa kanila galit kay Kuya kasi napatay niya si ALBERT "Butchoy" PEGA?



Hindi po masamang tao ang Kuya ko at kaya ko pong patunayan yan. Masama na po bang ipagtanggol ang kanyang sarili? Kung Kuya ko po ang nabaril sa ulo at namatay magdidiwang sila. Bakit po ganun? Ang pinatay nila ang tatay ko. Di sila marunong lumaban ng patas. Maraming makakapag sabi na hindi kami masasamang tao.

Sila Papa at ang aking dalawang Kuya sila po ang nakakahuli ng mga Akyat Bahay ditto, pero bkit po ganun masama na po bang TUMULONG sa kapwa? Noong namatay yung Butchoy na yon ang dami pong nagpasalamat dahil po ilan na Tao na po ang binaril niya dto. May buntis pa syang tinutukan ng baril at marami natatakot sa kanya lalo na paglasing sya kasi nag papaputok sya ng baril.

Pangulong DUTERTE tulungan niyo po kami. Ang Kuya ko na lang po ang pangalawang tatay naming. Kung mawawala pa po sya ay di na po namin kakayanin. Tulungan niyo po ang aking kapatid na si SGT.DARWIN AURELIO. Kapag nawala pa sya kawawa po ang mga pamangkin ko.

Parang awa niyo na po. Humihinge kami ng tulong. Di makatarungan ginawa nila sa amin. Pinatay nila ang tatay namin at ikinulong nila ang amin kapatid na ngayon tumatayong tatay naming. Sana po kami inyong tulungan."

Nakakaawa po ang ganitiong pangyayari, tulungan po natin si Sgt. Darwin Aurelio at ang kanyang pamilya. Ikalat po natin ang mensaheng ito sa lahat ng social media site at sana makaabot sa nanunungkulan, lalong lalo na sa ating butihing Presidente Digong.

Source: Rafael Alunan III

0 comments:

Post a Comment