Popular

Saturday, May 27, 2017

Martianime: Netizen relates anime to Martial Law


Just as Son Goku from Dragon Ball has Kamehame Wave, Eugene from Ghost Fighter has a ray gun, and Naruto from Naruto has Kagebunshin Technique, so does President Rodrigo Duterte have Martial Law.

This was how blogger and netizen Vox de Mac explained Martial Law in his simplified primer on the recently hotly debated issue.

De Mac raised concerns regarding how certain people are reacting to Duterte’s declaration of Martial Law and the problematic mainstream media that continuously links it to the Martial Law during the Marcos Regime which was allegedly the cause of many human rights violations.

The blogger illustrated Martial Law based on the 1987 Constitution that is now in effect all over Mindanao using parallelisms from anime and millennial concepts of “hugot”.

He views Martial Law as Duterte’s self-defense from terrorist attacks, but also explained that it may only be legally declared if it meets any of the three requirements, all of which are provided for in the 1987 Constitution: rebellion, public safety, and invasion.

Martial Law may then be in place for a period not exceeding 60 days, and may extend if the Congress votes for it to be extended.

De Mac warns that mainstream media information tends to “intoxicate” public opinion and if one refers to the law, Constitutional Safeguards are in place to ensure that the abuse of Martial Law will not happen.

Other concerns raised are related to warrantless arrests that the military may possibly abuse, but De Mac argues that social media has democratized societal transactions such that any abuse or mistreatments may always be reported and publicized.


In his full post on Facebook, De Mac said,

"Ang gulo-gulo. Nakakasuya ang mga balita. Tanong ng tanong ang mga estudyante. Nagbabalitaktakan ang iba’t-ibang panig. Kawawa naman si Juan. So eto subukan kong ipaliwanag sa lengwahe ng mga kainuman natin sa kanto o sa konteksto ng mga nagsisigawang tindera sa palengke o sa mga batang nagtatalo tungkol sa anime o sa mga matatabil na dila ng mga tsismosa sa parokya.

Martial Law sa Mindanao. Nakakatakot. Nakakalito. Sino ba talaga ang tama? Nagrarally na ang mga elitistang Tagalog (Pantayong Pananaw sa Kasaysayan. Kung nakinig ka lang sa akin, mauunawaan mo ang Pantayong Pananaw), mga nagmamarunong sa kulturang hindi nila nauunawaan o sa lugar na di naman nila tinitirhan o di kaya ay napuntahan man lamang.


Ang media naman parang girlfriend mong laging inuungkat ang nakaraan. Pilit pinagtutugma ng media ang Martial Law sa rehimeng Marcos sa rehimeng Duterte.


Ang mga terorista parang mga holdaper. Nakatutok sayo ang kutsilyo. Handang-handa kang patayin. Pero sa bulsa mo mayroon kang baril at higit sa lahat marunong ka sa martial arts. So anong gagawin mo? Di ba self-defense? Alangan namang hayaan mo na lang na maholdap ka di ba?


Yun ang tawag sa pwede mong gawin! Ganoon ang Martial Law! Self-defense sa nagbabadyang kapahamakan sa bansa! Yung Pangulo, hinoholdap! Sabi sa batas, pwede kang magdeklara ng Martial Law. Parang sa Dragon Ball, si Goku may kamehame wave. Sa Ghost Fighter, may ray gun si Eugene. Si Naruto may Kage Bunshin technique. Samakatuwid si Duterte, ayon sa batas, may Martial Law.


Pero teka sa mata ng batas, hindi ganoon kasimple ang pagdedeklara ng Martial Law. May 3 requirements ang hinihingi ng batas upang legal na maideklara ang Batas Militar. Parang nililigawan mo may mga demands iyan, bago ka sagutin! Parang mga propesor na humihingi ng rice cooker, pogi points, o minsan cake, para ka ipasa. Pero balik sa Martial Law, kailangan ng:


1. Rebelyon. Ano iyon? Himagsikan ang tawag sa mas malalim na Filipino. Ito yung marahas na pagsuway ng taumbayan upang pabagsakin ang lehitimong pamahalaan o di kaya ay umalis sa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaan. Marahas ibig sabihin ay gumagamit ang mga rebelde ng mga armas upang labanan ang pwersa ng pamahalaan. Higit sa lahat, ang rebolusyon ay nakaangkla sa pulitikal na ideolohiya. Ibig sabihin, inspirado ito ng pulitikal na mga paniniwala.


2. Pangkalahatang Seguridad (Kaayusan) o Public Safety. Sabihin na nating hindi rebelyon ang ginagawa ng mga terorista sa Marawi. Sabihin na nating hindi nila nilalabanan ang pamahalaan. Tipong nagkataon lang na “Oh Pare may baril tayo. Kakainom ko lang ng Mountain Dew. Tarang manunog ng bahay. Pumugot ng ulo. Pagbabarilin ang mga tao.” Di ba kapahamakan ito sa taumbayan? Kung sana nagpapa-manicure lang sa Marawi ang mga terorista o di kaya ay nagpapakulot. Hindi na yan papakialamanan ng pamahalaan. Pero nagdudulot sila ng pangkalahatang kapahamakan sa Mindanao maging sa buong bansa.


Kung sasabihin mo naman na anong ginagawa ng mga pulis? Bakit kailangan pa ng militar? Bes! Ano ka ba?! Nagdeklara ng Martial Law dahil hindi na nga kaya ng ka-pulisan ang sitwasyon. Kung sana lahat ng pulis ay parang si Cardo. Malamang kakayanin nila. Pero hindi sila si Cardo at malamang sabihan ka pa ni Daniel Padilla ng “You don’t know their pain!” Kapag Martial Law, ang mga military ang gumagawa ng trabaho ng pulis. Gets mo?


3. Invasion o pananakop. Hindi ko muna ito ipapaliwanag. Siguro naman di mo naman maiisip na magdeklara ng Martial Law dahil sinakop na tayo ng mga Oppa o dahil naalala mo si Magellan nung na war freak si Lapu-lapu? O di kaya ay nung sinakop ka ng kabiguan, pagkasadlak, at kalungkutan dahil hindi ka gusto ng crush mo. Pero kung hopeless ka nga, magdeklara ka ng Martial Law at ipaaresto mo si crush for trespassing your heart. Pakio.


Hindi ko sasagutin para sa’yo kung kailangan ngang magdeklara ng Martial Law. Pero iiwanan kita ng mga tanong tulad ng pag-iwan sayo ng boyfriend mo!


1. Maituturing bang rebelyon ang nangyayari sa Marawi?


2. Ang Maute ba ay inspirado ng politikal na ideolohiya? (Bes! Oo. ISIS inspired sila! Wag puro KPop, gurl. Wag puro basketball, bok!)


3. May tuwirang bang banta sa seguridad ang terorismo sa Mindanao? Upang masagot mo ito, alalahanin mo si Goku, Eugene, o Naruto. Pero kalimutan mo na ang ex mo!


Nakakatakot! Baka matulad ito sa rehimeng Marcos! Taumbayan! Kay hirap mo namang turuan. Maliban sa umiihi ka pa din sa poste. 


Dumudura sa kalsada. Nagtatapon ng balat ng kendi sa estero. Kahit papaano naman natuto na rin tayong mga Filipino sa talambuhay ng Inang Bayan sa panahon ng diktadurang Marcos!


Sa panahon ni Marcos, unlimited ang Martial Law. Natatanging si Marcos lang ang may kapangyarihan na magdeklara at tumapos ng Martial Law (yun eh kung trip niya). Hangang sa gusto ni Marcos, sige lang ng pagbili ng sapatos si Imelda. Kontrolado ni Marcos ang lahat ng sangay ng pamahalaan maging sa simbahan! Kaya ayon umabot ng higit dalawang dekada! Ang tagal-tagal ng pagkakahimbing ng bayan sa part na yon Kasaysayan, gurl! Baka busy sa paghigop ng Starbucks na kape ang mga mamamayan.


Dahil sabi ko nga, natuto naman tayo. Open-minded ka ba? Basahin mo ang paliwanag ko!


Sa kasalukuyang saligang batas, nililimitahan ang panahon ng Martial Law sa loob ng 60 araw lamang! Di na siya unlimited! Wait there’s more, maaring kanselahin ng Kongreso ang Martial Law kung sakaling sa palagay ng mga Senador at Kongresista na hindi naaayon sa batas ang pagdedeklara nito! Oha! Wala na yung dictatorial syndrome ng Martial Law!


Naku! Baka scam iyan! Alam naman natin na kontrolado ni Duterte ang Kongreso? Baka matulad iyan kay Marcos ha!


Alam mo, hindi uunlad ang buhay mo kung hindi mo susubukan! Susubukang unawain na sa kasalukuyang Saligang Batas ay binibigyan ang sino mang mamamayan na magsampa ng kaso sa Korte Suprema upang kwestiyunin ang legalidad ng pagdedeklara ng Martial Law! Walang ganyang probisyon sa panahon ng rehimeng Marcos!


Open-minded ka ba?


Ang media ay taga-hubog ng tinatawag nating public opinion. Makapangyarihan pa ito sa laser sword ni Voltes 5 o sa baba ni Imee Marcos ! Subalit ang patuloy na paghalungkat ng media sa Marcos Martial Law at tahasang iugnay ito sa Duterte Martial law ay isang mapanlinlang na uri ng paghubog ng public opinion. Kung pag-aaralan ang batas, malinaw na napakaraming CONSTITUTIONAL SAFEGUARDS ang nakalatag sa kasalukuyang Saligang Batas.

Paano naman ang mga military?

Pwede silang umaresto ng walang warrant of arrest! Pwede nilang halughugin at kumpiskahin ang mga bahay o anumang kagamitan ng walang search warrant!


Tama lahat ng iyon. Maari itong abusuhin ng militar! Pero tang ina naman bes, kung yung manyak nga sa jeep napapasikat gawa ng social media! Yung nambubugbog ng MMDA, nahuhuli ng pulis dahil sa social media! Yung mga two-timer nga napapahiya sa Facebook. 


Yung mga flat-chested nga nababash sa Twitter! Yung social climber nabubuking sa Instagram! Ang pang-aabuso pa kaya ng militar? Tuwirang binabago ng social media ang lipunan.


Ang demokrasiya ay direktang nagagamit ng taumbayan. Ang uring ito ng pamamahayag ay nagtatanim ng takot sa pamahalaang hindi nakakatugon sa tawag ng kanilang tungkulin! Sa isang post lang natin, maaari na itong tumawag ng atensyon ng buong bayan maging ng buong mundo. Maaari tayong gumawa ng mga panibagong Bunak, Marlou, Yaya Dub, Moymoy Palaboy, Hasth5, Pabebe girls, Senyora Santibanez, Mocha Uson at marami pang iba na pwedeng magsiwalat at tumugon sa mga pang-aabuso at kakulangan ng militar lalu’t higit ng pamahalaan.


Mula bata tayo, tinuruan na tayo ng konsepto pakikiisa. Sa simbahan, tuwing tayo ay bumabati ng peace be with you. Sa paaralan, tuwing tayo ay umaawit ng Pambansang Awit at sumusumpa ng pag-ibig kay Inang Bayan. Sa Mall, kung kailan lahat tayo ay tahimik na naghihintay sa pagbubukas nito tuwing alas-diyes ng umaga. Malamang sa alright, nagtaas ka din ng kamay noong humingi ng tulong si Goku para sa kanyang energy ball! Pakikiisa ang tawag doon!


Ang ating mga suliranin ay hindi masosolusyunan ng bunganga ni Mojacko o di kaya ay matatagpuan sa bulsa ni Doraemon. Hindi rin kakayaning gapiin ni Recca ang mga kalaban.


Sapagkat higit kay Freeza, Cell at Majin Boo ang kalaban ng bayan. Higit kay Orochimaru at Sasuke ang kalaban ng lipunan. Higit kay Taguro at Sensui ang kalaban ng ating mga adhika, pangangarap at pagsusumikap!


Dahil ang tunay nating mga kalaban ay ang ating mga sarili. Punyeta!"



Source: Vox de Mac Facebook account


Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

0 comments:

Post a Comment